• Home
  • Fresh Scoops
  • Aiko Melendez reacts on Sunshine Cruz and Wendell Ramos’ transfer to other network
Aiko Melendez reacts on Sunshine Cruz and Wendell Ramos’ transfer to other network
BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

4/16/2018 9:49 AM
Aiko Melendez reacts on Sunshine Cruz and Wendell Ramos’ transfer to other network
Photo credit: @sunshinecruz718 (R) on IG

 

Amindo si Aiko Melendez na medyo nahirapan siyang mag-adjust sa role bilang si Matadora sa primetime series na Bagani dahil matagal din niyang ginampanan ang  karakter ni Emilia Ardiente sa Wildflower.

Mabuti na lang daw at inalalayan siya ng kanyang mga director para mawala si Emilia sa kanyang sistema.

“Hindi talaga nila ako tinigilan hanggang mawala ko yung pagiging sosyal role ni Emilia. So, ngayon I can safely say, nakakawala na ako don sa ano, sa Wildflower,” kuwento ni Aiko sa blogcon ng Bagani held last Thursday.

Patuloy niya, “Yung Wildflower kasi, hard drama, di ba, ang fantaserye kasi is more of… yung itsura ko, dineglamorize talaga ako, tapos may isang eksena dito, yung action scene ko na first time ding makikita on national TV, na from 11 AM to 5 PM kinunan pero ilang seconds lang mapapanood sa TV.

“So, it’s physically strenuous sa akin, physically draining, but when I saw the trailer, parang ang sarap magtrabaho sa Bagani. Sabi ko noon, magiging at home kaya ako sa Bagani, kasi yung Wildflower namin isang taong umere, di ba, true enough, we’re a family now, at home na rin ako.”

Dalawa sa mga kasamahan ni Aiko sa Wildflower – Sunshine Cruz and Wendell Ramos -- ang lumipat na sa GMA-7. Ano ang reaksyon niya about this?

“With Sunshine kasi, I’m very close to her, so somehow I know that there was an offer sa kanya. In fact, ako din, may offer din ako sa kabila before. Sabay na sabay yung Bagani and then yung offer  ko don sa kabila.

“But I opted to stay with Kapamilya dahil nga ang ganda nung Bagani. Yung kay Wendell, hindi ko alam. It came as  a shock to me kasi hindi na naman kami masyadong nag-uusap ni Wendell. Si Sunshine mas alam kong may offer sa kabila,” reaksyon niya.

Wala raw naman siyang nakikitang masama kung magtrabaho man ang ibang artista sa ibang TV network.

Aniya, “You know, any growth sa mga kasamahan ko, I’d be the happiest, kasi kami lang naman, especially with Sunshine, she’s a single mom, she just needed to work.

“So, I’m pretty sure, if after her project with sa kabilang bakod, she’d be happy to be back here in Kapamilya network. Kasi ang Kapamilya, iba rin naman kasing katrabaho,” huling pahayag niya sa PUSH.