• Home
  • Fresh Scoops
  • Ito ang unang beses na magsasama sina JM De Guzman at Barbie Imperial sa isang proyekto.

Ano ang first impressions nina JM De Guzman at Barbie Imperial sa isa’t isa?

Ito ang unang beses na magsasama sina JM De Guzman at Barbie Imperial sa isang proyekto.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

04/14/2018 12:08 PM
Ano ang first impressions nina JM De Guzman at Barbie Imperial sa isa’t isa?

 

Sina Barbie Imperial at ang nagbabalik na si JM De Guzman ang mga lead star ng upcoming kapamilya teleserye na Araw Gabi.

 

Nakapanayam ng PUSH si JM sa naganap na pictorial ng Araw Gabi, kung saan inamin niya na kabado siya sa nalalapit na pagsisimula ng kanyang bagong kapamilya show.

“Malapit na kami umere and nakaka-excite, parang pinaghalong excitement at kaba kasi personally, kakapitan mo yung character. Parang mapapa-wonder ka kung paano siya magbabago doon sa journey niya, paano siya maapektuhan nung babae and sobrang ganda nung story,” bungad ni Jm

Sa pagbabalik ni JM sa telebisyon, bagong leading lady din ang kanyang makaka pareha na si Barbie Imperial. Ayon kay JM, magaan ang kanyang loob kay Barbie.

 

“Si Barbie una ko pa lang siya nakita alam ko may potential siya. Mahirap ang mga eksena namin, nag-workshop kaming dalawa,” sabi pa ni JM.

Pinuri din ni Barbie ang kanyang bagong leading man na inakala niya noong una na masungit.

“Sa una, impression ko sa kanya parang suplado pero hindi talaga. Napakabait niyang tao at matulungin. Kahit magaling na siyang aktor tinutulungan niya pa rin ako,” papuri ni Barbie kay JM.

 

Magkahalong kaba at pananabik din ang kanyang nararamdaman sa kanyang first lead role.

“Sobrang kinakabahan po ako. Siyempre iba-iba po yung nasa isip ng tao. May mga taong magugustuhan, may iba din na hindi din nila magugustuhan. Pero siyempre nagpra-pray lang ako na sana hopefully magustuhan nila kasi maganda yung story and pinaghandaan po talaga namin lahat ito. Para sa inyo,” pahayag ni Barbie.

 

Hango ang kuwento ng Araw Gabi sa Pinoy Romance pocket book na El Paraiso ni Martha Cecilia na bibigyang direksyon ni Nick Olanka, Myla Ajero- Gaite; Don Cuaresma at Theodore Boborol.

Mapapanuod ang Araw Gabi ngayong Abril sa Kapamilya Gold.