Xian Gaza: ‘Freeing myself is getting inside the jail’

Xian Gaza, nakakulong sa Malabon City Jail

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

04/13/2018 09:31 AM
Xian Gaza: ‘Freeing myself is getting inside the jail’

 

Sa ulat ng TV Patrol, nakakulong na ang negosyanteng si Xian Gaza sa Malabon City Jail dahil sa mga kasong kaugnay ng Anti-Bouncing Checks Law at hindi pag-attend sa mga hearing ng kaso kaugnay nito. Ani Gaza, “nakakapagod din palang magpakatibay so basically parang I want to free myself. Ironic lang na freeing myself is getting inside the jail.”

Inamin ni Gaza na may utang nga siyang two million pesos kay Melinda Cruz at one million pesos naman kay Jaime Asuncion. Paliwanag ni Gaza sa two million pesos na nahiram niya, tinakbuhan diumano siya ng mga nangutang sa kanya sa kanyang financing business. “Wala nang maibayad yung tao e. Kailangan kumuha ka ng isang property, yung kinuha po niya yung property na yun, ang gusto po niyang gawin is parang kabayaran sa kanya tapos nung hindi niya madispose at hindi niya mapera, nasa amin ngayon ang problema.”


Nalugi naman daw ang coffee shop business kaya hindi niya nabayaran ang mahigit six hundred thousand pang utang kay Mr. Asuncion. Humingi rin ng tawad si Gaza sa mga nautangan. “I’m really sorry and if one day I’ll be having the means to pay then definitely I will.” 

Naka-set ang bail ni Gaza sa 126,000 pesos at nangangako siyang kung makapagbayad siya ng bail ay aattend na siya ng hearing para sa kanyang mga kaso.  

Matatandaan na nag-viral noon si Gaza dahil sa pagayaya niya sa aktres na si Erich Gonzales para sa coffee date.