• Home
  • Fresh Scoops
  • Ex Battalion, nagbigay ng advice para sa mga aspiring rappers ng bansa

Ex Battalion, nagbigay ng advice para sa mga aspiring rappers ng bansa

May payo ang Ex Battalion para sa mga gustong pumasok sa music industry.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/12/2018 9:11 AM
Ex Battalion, nagbigay ng advice para sa mga aspiring rappers ng bansa


 

May mga advice na gustong iparating ang YouTube sensation na Ex Battalion sa mga aspiring rappers na gusto ring gumawa ng pangalan sa music industry.

Wika nila, “Be yourself. Never back down. Never quit.”

Dapat din daw na mag-focus sila sa ginagawa.

“Just do your thing. Importante yon,” sambit pa ng isang miyembro na sinang-ayunan ng lahat.

Patuloy ng isa pang Ex Battalion member, “Kung sino man yung mga rappers na ginawa n’yong inspirasyon para mag-rap, walang problema kahit gayahin n’yo sila nang gayahin. Gawin n’yong paghugutan sila, kuhanan n’yo ng idea hanggang sa magawa n’yo talaga yung purpose n’yo sa pagra-rap.

“Tapos wag lang talaga kayong mag-i-expect na, ‘boom agad.’ Kasi, dati hindi rin naman namin ito in-expect, basta dumating na lang.”

Komento naman ng isa pang kagrupo ng Ex-Battalion, “Always believe in yourself. Hindi mo kailangang makipagkompetensiya sa iba, hindi mo kailangan yon. As long as alam mo na magaling ka, pag naniniwala ka sa sarili mo, hindi mo kailangang makipag-compete. Huwag lang tayong magmadali, dadating at dadating tayo sa pangarap na gusto natin.”

Ibinahagi rin ng grupo na hanggang ngayon ay may mga aspiring rappers pa rin silang tinutulungan.

“Marami kaming mga kilalang rappers na nagsisimula pa lang ngayon pero andon pa rin yung suporta namin sa kanila. Nag-a-advise pa rin kami sa kanila na ganito yung gagawin mo, na huwag mong pilitin ito pag hindi mo kaya, just be yourself,” sambit pa nila.

For the record, mayroon ng 44 million views sa YouTube ang kanta ng Ex Battalion na “Hayaan Mo Sila”. Isang malaking factor din ang lakas ng grupo para kunin silang celebrity endorser ni RS Francisco para sa kompanya niyang Front Row.

Ayon kay RS, walang specific product na ie-endorse ang Ex Battalion. Ang buong kumpanya raw mismo ang ire-represent ng grupo.

Samantala, masayang-masaya ang grupo ngayong may bago na naman silang endorsement. Sey pa nga nila, hindi raw nila in-expect na makakarating sila sa ganitong punto dahil nage-enjoy lang naman daw silang gumawa ng kanta at i-upload ito sa You Tube without expecting na magkakaroon ito ng milyon-milyong views.

Makakasama ng Ex Battalion bilang celebrity endorser ng kompanya ni RS sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Ellen Adarna, Gretchen Barretto at marami pang iba.