• Home
  • Fresh Scoops
  • Director Paul Basinillo nagbigay ng pasilip sa 15th year anniversary concert ni Sarah Geronimo.

Director Paul Basinillo, ibinahagi ang mga paghahanda sa anniversary concert ni Sarah Geronimo

Director Paul Basinillo nagbigay ng pasilip sa 15th year anniversary concert ni Sarah Geronimo.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

04/11/2018 09:34 AM
Director Paul Basinillo, ibinahagi ang mga paghahanda sa anniversary concert ni Sarah Geronimo
Photo credit: @popstarprincess (R) on IG

 

Ilang araw bago ang This Is Me 15th Anniversary concert ng Popstar royalty na si Sarah Geronimo, ipinasilip ng concert director nito na si Paul Basinillo ang ilang detalye ng nasabing show.

Kasma dito ang malaki at high-tech stage design kung saan mag pe-perform si Sarah.


“We have a multi-level stage and we have a grand for the LED panels. First time ni Sarah na magkaroon ng parang orchestra sa isang malaking concert,” sabi ni Direk Paul.

Bukod sa concert stage design, ibinahagi din ng concert director ang ilan sa mga VTR na parang isang music video ang eksena kung saan iba’t ibang ayos ni Sarah ang ipinapakita.

“The VTR and the costume changes go hand in hand. Dahil anim yun we have six costume changes yung pang anim is the grand reveal. Gusto namin ipakita sa inyo na teaser lang na magkakaroon ng special gown na gawa ni Furne One Amato,” kuwento pa ng direktor.

Kuwento ni Direk Paul, kasalukuyan daw nasa bakasyon si Sarah para alisin ang kaba na nararamdaman nito bago ang kanyang concert.

Aniya, kabado din daw si Sarah na todo sa asikaso sa bawat musical and production number na siya mismo daw ang nag buo.

“Every time na magkakaroon kami ng meeting, tatanungin niya kami kung, ‘Kaya ko pa ba ito? Gusto pa ba ito ng tao?’ We want to reassure her na ‘oo naman definitely because you’re Sarah already.’ Sabi namin na ganun pero yung apprehension coming from her mahaba ang lay off niya from the previous concert that was two years ago,” pahayag pa ni Direk Paul.

Aabangan din daw sa concert ang mga pasabog na production number nila Xian Lim, Mark Bautista, Daniel Padilla, at James Reid.