Anne Curtis, payag gumanap bilang Valentina sa ‘Darna’ kung i-offer

Anne Curtis, excited gumanap bilang kontrabida.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

04/11/2018 08:52 AM
Anne Curtis, payag gumanap bilang Valentina sa ‘Darna’ kung i-offer

 

Sa ulat ng TV Patrol, sinabi ni Anne Curtis na game siyang gumanap na Valentina kung sakaling iaalok sa kanya ang role. Si Valentina ang kalaban ni Darna, na gaganapan naman ni Liza Soberano sa upcoming Darna film ni direk Erik Matti. Ani Anne, “Of course, siyempre naman iconic yun. More than anything, I’d be more interested siguro in playing a villainess. I have fun kasi in playing mga kontrabida dito so I’d totally be open to doing it.” 

Payag din diumano siyang gumanap bilang Planet Woman na nakalaban din ni Darna. “Yung mga girls na galing sa ibang planeta, maraming kontrabida na pwedeng gawin and I’d love to portray one of them.”


Ayon sa report, kumportable rin si Anne dahi lang direktor ng Darna na si direk Erik ay nakatrabaho na rin niya sa pelikulang Buy Bust.