• Home
  • Fresh Scoops
  • Richard Gutierrez and Pia Wurtzbach to host Binibining Pilipinas 2018?

Richard Gutierrez and Pia Wurtzbach to host Binibining Pilipinas 2018?

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

3/9/2018 5:05 PM
Richard Gutierrez and Pia Wurtzbach to host Binibining Pilipinas 2018?


 

Usap usapan ngayon ng mga pageant enthusiast ang napapabalitang pagsasama nina 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach at bagong Kapamilya actor na si Richard Gutierrez para maging host my 2018 Binibining Pilipinas.

Ito ang unang beses na magsasama sina Pia at Richard para maging bagong mga host ng kinasasabikan na annual beauty pageant.

Hindi naman bago para kay Pia ang maging host ng Binibining Pilipinas. Noong 2017, isa si Pia sa mga tumayong host kasama ang aktor na si Xian Lim.

Hindi na din bago para sa aktor na si Richard Gutierrez ang mag host ng beauty pageant. Noong 2016, si Richard ay naging host ng Miss World Philippines.

Hindi pa man kumpirmado, mainit pa din na inaabanagan ang grand coronation night ng Binibining Pilipinas 2018, na mapapanuod ang live telecast sa ABS-CBN sa March 18.