• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Mon Confiado gives update on historical film ‘Goyo’

EXCLUSIVE: Mon Confiado gives update on historical film ‘Goyo’

Mon Confiado reprises his role as Emilio Aguinaldo in the historical epic ‘Goyo’.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

3/9/2018 9:13 AM
EXCLUSIVE: Mon Confiado gives update on historical film ‘Goyo’


 

After shooting for more than six months for the much-awaited film based on the life of young national hero General Gregorio Del Pilar, Mon Confiado admitted that even he was overwhelmed by the grand production. “Isa pang napaka-exciting yang Goyo dahil I guess ito ang pinakamalaking pelikula sa history ng industriya ng pelikula natin. Binuhos ng Artikulo Uno yung lahat dito kasi parang na-inspire sila sa Heneral Luna. Actually malaki na rin ang Heneral Luna P70 million na production yun. I guess triple o doble ang laki nito,” he told PUSH.

During the Sinag Maynila press conference for his film El Peste, Mon recalled just how epic Goyo really is. “Ramdam na ramdam ko yung shoot, yung dami ng talents, yung production. Kadalasan yung shooting namin may 500 extras. At napakahirap. Sabi nga ni direk Jerrold Tarog dun sa linabas namin na behind-the-scenes na clip, yung pinagdaanan nila Emilio Aguinaldo ay pinagdaanan din talaga ng cast sa shooting na ito. Kasi tumatakas si Aguinaldo at that time nung 1899. Patakas sa mga Amerikano papuntang Tirad Pass. Yun din ang naramdaman namin during the shooting kasi talagang umakyat kami sa bundok. Grabe ang production set kaya kaabang-abang talaga itong Goyo,” he shared.

After playing the role of the the first Philippine president Emilio Aguinaldo in Heneral Luna, Mon said the second film in the trilogy will show a more human side to Aguinaldo. “Medyo madaming nainis kay Emilio Aguinaldo sa Heneral Luna dahil may question mark ‘di ba kung siya ba talaga ang nagpapatay kay Heneral Luna? Dito kasi sa Goyo medyo iniba ko yung aking atake. Parang gusto ko kasing maramdaman ng audience through my character na kumbaga may nagawa ring mabuti si Emilio Aguinaldo during that time. Maaaring marami siyang pagkakamali pero meron din siyang nagawang mabuti. At during that time nasa gitna ng giyera so iba ang decision making ng tao ‘pag may gera at ‘pag relaxed ka lang. At the same time siya ang presidente ng Pilipinas so gusto kong maramdaman ng audience yung pagka-human ng presidente kaya exciting din yung atakeng ginawa ko dito,” he explained.