PGT issue, gusto nang tuldukan ni Angel Locsin

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

03/07/2018 05:10 PM
PGT issue, gusto nang tuldukan ni Angel Locsin

 

Hot topic kamakailan sa social media ang Kapamilya actress at Pilipinas Got Talent judge na si Angel Locsin.

Dahil ito sa di umano nila pagkakaintindihan ng mga kapwa hurado sa top-rating Philippine franchise ng reality show na Pilipinas Got Talent kung saan kasama niya sina Vice Ganda, Robin Padilla at Kapamilya bossing na si Freddie Garcia.


 

Ani ni Angel sa panayam na ito ng PUSH at ABSCBN News sa taping ng PGT, nanatili ang pagiging solido ng kanilang samahan sa kabila nag pagkakaiba-iba ng kanilang mga opinyon.

 

😍

A post shared by Pilipinas Got Talent (@abscbnpgt) on

 

“Yung comments ng kapwa judges, mahal na mahal ko kapwa judges ko, mahalaga kami sa isa’t isa. Hindi kami nagbabastusan, ganun lang kami talaga. Siniseryoso lang namin itong ginagawa talaga,” bungad ni Angel.

Ayon sa aktres, dahil sa mahigpit na labanan ng bawat kalahok sa PGT, sineseryoso nila ang pamimili ng deserving na contestant para manatili at magwagi sa kompetisyon.

“Ganun naman talaga dapat. Binigyan tayo dito ng opportunity para makapag voice out ng opinion, kami naman apat bukas naman kami kung ano ang opinyon ng isa. Talagang nirerespeto namin ang isa’t isa,” aniya.

Seryoso man sa kanilang trabaho, nilinaw naman ni Angel na walang pikunan sa kanila ng mga kapwa judges.

Payo pa ni Angel sa mga susunod na performers ng PGT, pag-ibayuhin pa lalo ang kanilang gagawin na performance.

“Siguro mas kailangan maghanda ng mga contestants kasi seryoso na ito talaga. Magagaling din ang ibang contestants kaya dapat magpakita sila ng kakaiba at pinakabest na performance na maibibigay nila talaga,” saad pa niya.

Speaking of performance, umiwas naman sa pagbibigay komento si Angel tungkol sa girl group na nag audition sa PGT na nakatanggap ng red button X sa kanya.

Sa mga latest posts naman ng aktres sa kanyang Twitter, nanatiling positibo ang tema ng kaniyang mga tweets sa kabila ng isyu na naglalabasan laban sa kanya.

 

 

 

 

Sa huli, wish pa rin ni Angel na matuldukan na ang isyu dahil pare-pareho silang mga babae na dapat magtulungan at magfocus sa mas marami pang problema ng isang Pilipina.