KZ Tandingan on her celebrity status in China: “Nagulat ako kasi narerecognize na ako ng mga tao”

KZ Tandingan, instant celebrity sa China.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

03/07/2018 01:47 PM
KZ Tandingan on her celebrity status in China: “Nagulat ako kasi narerecognize na ako ng mga tao”

 

Sa TV Patrol, instant celebrity si KZ Tandingan sa China dahil sa Singer 2018. Ayon sa balita, nakikilala na ng mga tao si KZ kapag naglilibot ito sa malls. Kwento ni KZ, “Nagulat ako kasi narerecognize na ako ng mga tao. Alam lang nila yung pangalan ko… Tapos tinuturo na lang nila yung cellphone (para magpa-picture).” 

Sinabi rin niya kung bakit walang ginanap na competition last week para sa Singer 2018. “Meron silang special show na ginawa talaga. Parang culmination ng Chinese New Year.” 


Pero tumulak na muli si KZ papuntang China at ramdam na di umano niya ang tensyon at pressure lalo na’t finale na ng kompetisyon sa April 20. 

Sikreto din muna kung ano ang kakantahin ni KZ para sa week 8 ng kompetisyon. “Yung gagawin kong kanta ay never ko pang nakanta before kaya sobrang malaking challenge to sakin.”