• Home
  • Fresh Scoops
  • Cebuano-produced indie movie ‘Magbuwag Ta Kay’ set for nationwide commercial release

Cebuano-produced indie movie ‘Magbuwag Ta Kay’ set for nationwide commercial release

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/7/2018 9:04 AM
Cebuano-produced indie movie ‘Magbuwag Ta Kay’ set for nationwide commercial release


Photo credit: @akikosolon on IG

 

Excited ngayon ang social media sensations from Cebu na sina Akiko Solon at Ruel Ucat para sa nationwide screening ng kanilang indie movie na Magbuwag Ta Kay ng Heritage Productions.

Ito ang unang beses na mapapanuod ang Magbuwag Ta Kay sa Maynila na umaani ng magandang reviews nang una itong maipalabas sa Cebu.

 

Kaya naman looking forward din para sa positibong pagtanggap ito sina Akiko at Ruel.

“Sobrang kaba. Hindi naman po kasi kami artista and first time ko po mag-star sa film so nakakakaba. Especially in Manila hindi kami kilala, unless in Visayas and in Mindanao may mga nakakakilala sa amin. Dito iba,” bungad na pahayag ni Ruel.

Kabado din si Akiko na unang nakilala sa kanyang husay sa pag-awit bilang isa sa my kalahok sa Star Power taong 2010.

“Ako po si Akiko Solon, ang nag-play po sa character ni Kaye. Ako po yung girlfriend ni Roy, Yes, nag-Star Power po ako (2010) yung kay Angeline Quinto and nag-sunod sunod na po pero mas mag-focus nalang po ako into acting. Nagkataon din po kasi na mas pinag-focus po nila ako on acting and ilan years din kasi ako sa Star Magic, more on acting po ako,” pagbabahagi ni Akiko.

First time man magkasama sa proyekto ng dalawang Cebuano stars, happy din daw sila na ibahagi ang kanilang proyekto sa buong Pilipinas na ang pangunahing layunin ay muling buhayin ang mga Visayan Movies.

“Yes nagkaroon na po ng screening sa SM Cebu and hindi po namin expected na ma-appreciate ng mga tao ang movie. Una po it’s an independent film and kami po ang gumagawa ng paraan para ma-promote and para po mas magkaroon ng awareness tungkol sa movie,” sabi pa ni Ruel.

Sinugurado naman nina Ruel at Akiko na makaka-relate ang mga Manilenyong millennials sa kanilang pelikula na mapapanuod na may subtitle in Tagalog.

Mapapanuod ang Magbuwag Ta Kay ngayonh March 7 in all SM Cinemas Nationwide.