• Home
  • Fresh Scoops
  • Dahil sa bigat ng dinadala, Angeline Quinto aminadong nagpabawas ng dibdib

Dahil sa bigat ng dinadala, Angeline Quinto aminadong nagpabawas ng dibdib

Sinabi din ni Angeline na sumasagi sa isip niya na ipaayos ang kanyang ilong.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/6/2018 5:26 PM
Dahil sa bigat ng dinadala, Angeline Quinto aminadong nagpabawas ng dibdib


 

From 36 D to 36 B, ito ang naging lantaran na pag-amin ng singer na si Angeline Quinto sa naganap na 8th anniversary celebration ng Cornerstone Events nitong Lunes ng gabi.

Dito, naging usap usapan ang hindi mamatay-matay na intriga ng pagpapadagdag umano ng singer sa kanyang dibdib.

Game naman na sinagot ito ni Angeline at kabaligtaran daw ang katotohanan sa mga kumakalat na chismis sa kanya.

 

❤️ #ThankyouLordforeverything💕

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto) on

 

"Tapos na! Medyo matagal na po, almost three years na po," kwento ni Angeline sa pagbabawas niya ng dibdib. 

Ayon sa singer, dahil sa pinagpalang size ng kanyang dibdib, naging sagabal umano ito sa kanyang pang araw-araw na pamumuhay.

"Ito naman po medyo nahihirapan lang po ako kapag nasa ASAP, every Sunday po kami nasa ASAP di ba po, dumarating kasi ang point na sobrang fit na ang gown sa katawan ko pero pag dating dito (chest area) mahirap," paliwanag ni Angeline.

"Actually buhay pa si Sir Pepsi Herrera yun na talaga ang problema namin. So from size 36 cup D to size 36 B," dagdag na detalye ng Singer 

Dahil dito, naging biruan din ng entertainment press ang plano umano ni Angeline na magpa-sexy sa kanyang mga post sa social media.

"Hindi gustong gusto ko na talaga, tutal summer naman na pero ayaw ko naman makipagsabayan sa mga perpektong katawan, sila na yun eh," pagbibiro na pahayag ni Angeline.

Bukod sa hayagan na pag-amin ng singer sa pagpapabawas ng dibdib, aminado din si Angeline na ipapaayos niya ang kanyang ilong.

Paglilinaw ng singer, kung sakali ito ang unang beses na ipapaayos niya ang kanyang ilong na taliwas sa mga kumakalat na chismis sa kanya.

 

❤️ #Asap #ThankyouLordforeverything💕

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto) on

 

"Ang totoo po, hindi ko po alam kung four years ago po, nag-consult po talaga ako sa Belo (Belo Medical Group). Hindi perfect ang ilong ko totoo, so parang naiinggit ako sa ibang artista na ganun ang ilong pointed agad," paglalahad ng singer.

Aminado si Angeline na kahit hindi natuloy ang kanyang pagpapagawa ng ilong, hindi pa din daw ito nawawala sa kanyang isip ngayon.

 

Find yourself and be that 👊 #ThankyouLordforeverything💕

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto) on

 

"So sabi ko baka pwede ako mag-consult sa ilong kasi papa-trim lang ako, e hindi po natuloy. Hindi po natuloy yun kasi nagkaroon lang po agad ako ng biglaang trabaho na baka hindi abutin ang paggaling. Nag-try na po ako ulit na magsabi kay Dra. Belo pero hindi pa din po kami nakakapag-usap ng personal." 

Gustuhin man daw ni Angeline, ang isa pang gumugulo daw ngayon sa kanyang desisyon ay ang kanyang takot na maapektuhan ang kanyang boses. 

"Tinanong ko din ang singing coach ko kung magpa-trim po ba ako ilong maapektuhan ang singing voice ko, sabi niya ito totoo, honestly wala naman epekto yun, basta 'wag lang na may mangyari na may part ng ilong po ang masyado manipisan, so yun doon ako medyo natatakot," kuwento pa ni Angge.

Isa din sa pumipigil sa desisyon ni Angeline na ituloy ang pag papa ayos ng ilong ay ang kanyang matinding pananampalataya sa Panginoon.

"Hindi e, kasi baka magalit din ang Diyos sa akin na 'hindi ka pa ba kuntento sa binigay ko sayo?' Sa totoo lang po yun ang sumasagi sa isip ko," pahayag pa ni Angeline.

Sa ngayon, humuhugot pa din si Angeline ng lakas ng loob na ituloy ang kanyang desisyon na pag papaayos ng ilong.