• Home
  • Fresh Scoops
  • Inamin ni Aljur na pamamanhikan na ang nangyaring pagkikita ng kanyang pamilya at ng pamilya Padilla.

Kasalan nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla inaayos na

Inamin ni Aljur na pamamanhikan na ang nangyaring pagkikita ng kanyang pamilya at ng pamilya Padilla.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

03/05/2018 08:52 AM
Kasalan nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla inaayos na
Photo credit: @kylienicolepadilla on IG

 

Excited at masayang masaya si Aljur Abrenica sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga taga subaybay ng “Asintado” sa mall show sa Farmers Plaza sa Cubao , Quezon City kahapon, March 4.

Si Aljur ay gumaganap sa papel na Xander, na isa sa mga love interests ni Julia Montes sa teleserye. 


“Bago siya sa akin, unang una kasi bago ang network ko, tapos ngayon ko lang nakasama yung ‘Asintado’ team napakasaya dito pa lang sa backstage enjoy na, tapos bumulaga pa sa min itong venue ng Farmers Mall," bungad ni Aljur.  

Bukod sa kasiyahan sa mainit na suporta ng kanilang taga-hangga, Hindi naman maipaliwanag na saya ang nararamdaman ni Aljur para sa pagkakaayos nila ni Robin Padilla.

Matatandaan na hot topic kamakailan sa social media ang naging pag-uusap ni Aljur at ng ama ng kanyang girlfriend na si Kylie Padilla.  

“Ako malaking pasasalamat ko, sobrang grateful ako, dahil ito yung matagal ko nang hinahanap eh. Ito yung tamang bagay na dapat noon pa nangyari. Masayang masaya ako lalo na para kay Kylie," sabi pa ng aktor. 

Nilinaw din ni Aljur ang dahilan ng naglabasan na larawan noon sa kanilang social media account. Aniya bahagi na ito ng next level sa relasyon nila ni Kylie.

“Pamamanhikan na yun, namanhikan sa pamilya Padilla. Pumunta kami sa kanila, ipinakilala ko ang sarili ko. Tinanggap naman kami ni Tito Robin. Nagkaroon ng salu salo," saad pa ni Aljur. 

Aniya, todo ang kaba na kanyang naramdaman ng mga oras na iyon.

"Oo eh (laugh). Kahit sino ata kakabahan talaga e, minsan lang mangyari yun sa buhay mo, ano siya napaka-magical. Para hingin mo na yung kamay ng isang anak sa isang pamilya ‘di ba panibagong chapter yan sa buhay mo,” ani pa niya. 

Ayon pa kay Aljur, kasalukuyan na nilang pinapalansta ni Kylie ang iba pang detalye ng kanilang magiging kasal.

“May plano na , alam na ng both parties Padilla and pamilya ko, Wala pa (exact date), hindi pa namin maisarado kasi gusto namin makarating lahat lahat ng pamilya ni Kylie. Mommy niya at ibang kapatid niya sana makarating,” pagbabahagi pa ni Aljur. 

Sa huli, muling nagpasalamat si Aljur kay Robin sa pagbibigay basbas nito sa kanilang mga plano ni Kylie at kay Baby Alas.

“Ang masasabi ko lang, salamat Sir Robin! Madami siyang aral na ibinahagi sa ‘kin,” pagtatapos ni Aljur.