• Home
  • Fresh Scoops
  • The Vizayan film will be distributed by Viva Films and will be shown in cinemas around the country.

Akiko Solon headlines Vizayan film “Magbuwag Ta Kay”

The Vizayan film will be distributed by Viva Films and will be shown in cinemas around the country.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/05/2018 09:05 AM
Akiko Solon headlines Vizayan film “Magbuwag Ta Kay”

 

Ang pelikulang Magbuwag Ta Kay ay isang romantic drama set in Cebu and in Cebuano language, pero meron itong English subtitle. The film was shot in April, 2017 for 10 days at various locations of Cebu province at ipapalabas hindi lang sa Vizayas region kundi maging sa Metro Manila.

Ayon sa Heritage Productions, malaki ang bilib nila  sa mga Vizayan talents kaya naman naisipan nilang i-produce ang all Cebuano film na ang ibig sabihin sa English ay “Let’s Break-up.” Puro mga Cebuano rin ang artista sa pelikula at ang mga kasama  sa production team.


“We believe in Vizayan talents and we also believe that this is the right time na Cebuano films will also have a slot in the Philippine cinemas,” pahayag ng producer na si Sunshine Lim sa ginanap na presscon para sa nasabing pelikula sa Tektike office ng Viva Films na siyang distributor ng film.

Maging ang Viva big boss na si Vic del Rosario ay ganito rin daw ang pananaw.

“It’s been boss Vic’s dream eversince kasi to create an entertainment industry that caters to the Vizayans.

“Ang point niya kasi, bakit kailangang Tagalog lang ang nagdidikta ng buong entertainment scene ng Pilipinas,” pahayag naman ni Vicente Eduardo “Verb” del Rosario na Vice President for Operations ng Viva South.

Patuloy niya, “I met up with sina Miss Shine (of Heritage Productions), sabi ko, it’s a perfect time for Viva to come into the scene and help them distribute and realease it nationally since ’yun naman ang long term goal natin -- to create an industry for the Vizayans.

“So, this is a perfect opportunity for Vizayan artistry -- actors, directors, Vizaya culture to be known, ma-introduce pa lalo sa atin. So, very excited kami for this film, and for what’s there to come for Vizayan market.”

Ang Magbuwag Ta Kay ay pinagbibidahan ni Akiko Maria Solon at internet sensation Rowell “Roy” Ucat (popularly known as Medyo Maldito). Kasama rin sa movie ang isa pang internet sensation na si Mark Anthony Abucejo na mas kilala bilang Snake Princess.

Si Akiko na tubong Cebu ay naging finalist noon ng Star Power ng ABS-CBN.

Naging part din siya ng mga teleseryeng E-Boy, Pasion de Amor and Bridges of Love.

Mula sa direksyon nina Reuben Joseph Aquino at Janice Perez, showing na ngayong March 7 ang MTK.