People Asia magazine awards an Aeta man for his scholastic achievement

Ginawaran ng award ang Aeta na nakapagtapos sa kolehiyo.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

03/03/2018 10:08 AM
People Asia magazine awards an Aeta man for his scholastic achievement

 

Sa ulat ng TV Patrol, kinilalang Lucky Person of the Year ng People Asia Magazine ang isang katutubong Aeta na si Norman King. Ginawaran si Norman ng award kasabay ng mga bigating pangalan na may malaking ambag sa lipunan. Ani Norman, “Kung panaginip man ‘to, sana wag muna ako magising. The Lord continues to amaze me.”

Si Norman din ang kaunana-unahang Aeta na nakagraduate mula sa University of the Philippines Manila. Ang kursong tinapos niya ay Behavioral Sciences.


Hindi biro ang pinagdaanan ni Norman bago siya nakatapos. Naalala din niya kung paano sila nakaranas ng diskriminasyon noong manirahan sila sa kapatagan matapos pumutok ang Mt. Pinatubo noong 1991. 27 years old na ngayon si Norman at pito silang magkakapatid.

Ayon kay Norman, nagpursige siya hindi lang para sa sa sarili niya. “I’m doing this not because [just to] show off. No, it’s not. I’m doing this as a matter of representation ng mga Aeta.”

Pagmamalaki pa niya, “Kaming mga katutubo, Pilipino. Kapag naumpisahan namin, tatapusin namin. Gaano man ito kahirap, gaano man ito katagal.”