Celebrities, ibinahagi ang mami-miss nila kapag pansamantala isinara na ang isla ng Boracay

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

03/28/2018 10:49 AM
Celebrities, ibinahagi ang mami-miss nila kapag pansamantala isinara na ang isla ng Boracay

 

Isa ang Boracay Island sa mga top summer destinations ng ating mga paboritong showbiz personalities.

Ngayong napipinto ang pagsasara ng isla para sa rehabilitation program ng Department of Tourism (DOT) at ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ilan sa kanila ay ibinahagi ang kanilang mga hindi malilimutan na experience sa Boracay.


Una na dito ang singer-songwriter na si Ogie Alcasid na aminadong malapit sa kanyang puso ang Boracay.

 

Dinner at #mesa boracay with dear cousin Leah and pamangkins and inaanaks

A post shared by Ogie Alcasid (@ogiealcasid) on

 

"The most memorable Boracay experience ko is when two Christmas ago buong family ko nasa Boracay. And if you still remember si Regine (Velasquez) nag-crash ng party before our wedding, it was nice. Hinding hindi ko malilimutan yun," kuwento ni Ogie.

Malaki naman ang panghihinayang ni Nadine Lustre dahil hindi pa niya napupuntahan ang isla na isa sana sa kanyang susunod na bibisitahin.

 

 

 

May still be aching, but I see the sun come up. 🌤

A post shared by Nadine Lustre (@nadine) on

 

"Hindi pa ako nakakapunta ng Boracay. When I was little pa lang my mom kasi is from Aklan pero yung with friends hindi pa," sabi ni Nadine.

Ang The Blood Sisters star naman na si Erich Gonzales pabor daw sa planong rehabilitation ng Boracay na isa sa kanyang paboritong summer destination noon.

 

Relax. Breathe. Trust. Nothing gets away that is meant to be yours.

A post shared by Erich Gonzales (@erichgg) on

 

"Nasa Boracay ako always for work. Nakaka-sad kasi tayo din naman yan di ba kapabayaan din naman natin sa basura. Pinababayaan nalang natin and ito na, sinisingil na talaga tayo. It’s good also what they doing now, habang hindi pa huli ang lahat di ba? Hopefully pag natapos na ang rehabilitation maging responsible tayo also," ani ni Erich.

 

Para naman sa aktor at Chief Operating Officer ng Tourism Promotions Board ng Department of Tourism na si Cesar Montano, ginagawan umano nila ng paraan sa DOT na ipakilala ang iba pang magagandang isla ng Pilipinas.

"Tinitignan natin ang mga untapped destinations sa Pilipinas kasi after ng maging desisyon ng Department of Tourism and Department of Environment and Natural Resources sa Boracay, dapat mai-refocus natin ang mga tourist to promote other destination," aniya.

Sa ngayon, patuloy pa din ang pag-uusap tungkol sa napipintong closure ng Boracay Island