Pia Wurtzbach, may fallback plan kung sakaling hindi palarin sa acting

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

03/27/2018 09:57 AM
Pia Wurtzbach, may fallback plan kung sakaling hindi palarin sa acting

 

Maraming blessings ang dumating sa buhay ni Pia Wurztbach pagkatapos niyang manalo bilang Miss Universe 2015.

Mula sa kasi sa dating awkward at baguhang artista pa lamang na si Pia Romero, muling naibalik ni Pia ang kinang ng kanyang karera nang magbukas ng mas marami pang oportunidad matapos ang kanyang reign bilang Miss Universe.


Kabilang na dito ang kanyang first movie bilang leading lady na My Perfect You kasama si Gerald Anderson.

“Aminado naman ako na hindi ako magaling umarte noon na sobrang awkward. Tsaka hindi ko pa time, na hindi ako sumikat. Aminado naman ako e,” sabi ni Pia.

Kuwento pa ng beauty queen-actress, naniniwala din daw siya nakatadahana ang mga bagay bagay para sa kanya.

“Okay lang naman sa akin yun. Kasi kung sumikat ako noon hindi ako makakasali sa Binibini (Pilipinas pageant) at hindi ako magiging Miss Universe at hindi ako mapupunta dito. Lahat naman siya magkaka-connect.” 

Pero aminado din daw si Pia na kung hindi siya papalarin bilang aktres, handa din daw siyang subukin ang ilang oportunidad na malapit sa kanyang puso.

“Kung hindi naman ako nabigyan nang pagkakaton ulit, then I will find a way at ako ang gagawa ng paraan to do the same ng gusto ko. If I’m not the one on camera, I would say na I’ll be working behind the camera. That’s how easy,” paliwanag niya.

“May scholarship pa pala ako sa New York Film Academy na naghihintay sa akin. Gagamitin ko pero hindi muna ngayon,” dagdag pa ni Pia.

Sa ngayon, abala si Pia sa pagdalo sa kabi-kabilang block screening ng My Perfect You na ino-organisa ng kanyang malalapit na kaibigan at supporters.