Is this Jovit Baldivino’s reaction to his alleged scandal?

Is this Jovit Baldivino’s reaction to his alleged scandal?-PUSH TEAM
BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

03/27/2018 07:32 PM
Is this Jovit Baldivino’s reaction to his alleged scandal?
Photo credits to Jovit Baldivino FB

 

Muli na namang nagiging usap-usapan sa social media ang singer na si Jovit Baldivino matapos kumalat di umano ang isang video scandal niya. Bagamat walang kasiguraduhan na si Jovit ang lalaking nasa kumakalat na video, tila nagbigay pahayag ang singer sa mga isyung ipinupukol sa kanya.

“Kaloka, sari-sari na lumalabas na balitang ewan ko ba, kung sino ka mang may galit sa akin mabuhay ka pa din, ang galing mo!! Sana pagpalain ka pa, God bless,” aniya.


Halu-halo naman ang naging reaksyon ng netizens ngunit may iba rin na nagbigay ng mabubuting mensahe para sa kanya.