Ex Battalion, malaki ang pasasalamat kay Ai-Ai Delas Alas

Ex Battalion, malaki ang pasasalamat kay Ai-Ai Delas Alas-Jeff  Fernando
BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

03/27/2018 09:53 AM
Ex Battalion, malaki ang pasasalamat kay Ai-Ai Delas Alas

 

Hindi na mapigil ang pag-sikat ng rap and hip-hop group na Ex Battalion. Malakas maka-LSS ang awitin nila na “Hayaan Mo Sila” na umabot na sa 44 million views ang video sa YouTube.


At ngayon na mayroon na silang endorsement, aminado ang Ex B na hindi pa din sila makapaniwala sa blessings na kanilang tinatamasa ngayon.

“Siyempre po masaya. Salamat kay Lord, kay God ganito na kami ngayon. Hindi namin inaasahan ito eh. Dapat mas lalo pa naming… yung pangarap namin itutuloy tuloy naming. Hindi namin hahayaan na mawala ito.”

Ayon pa sa rap group, hindi din nila akalain na mula sa indie music, nasa mainstream na sila ngayon na na kanilang ipinagpapasalamat sa kanilang manager na si Ai-Ai Delas Alas.

 

“Almost three years na kami sa underground scene. Takot kasi kami sa kontra kontrata na yan eh. Never pa kami nagka-manager before. Sobra nagpapasalamat kami nagka-manager kami na si Miss Ai-Ai pa, ‘wag ganyan ganyan. Wag late.’ Pinapagalitan kami in a good way.”

At ngayong Holy Week, magkakasama din ang grupo para mag-bonding at magpahinga.

“Ang alam po namin may plano si mommy Ai-Ai na mag-outing yata pero hindi pa na-finalize yung plan,” pahayag ng grupo.

Bago ang bakasyon, isang charity event din ang gagawin ng Ex Battalion kasama ang kanilang manager.