• Home
  • Fresh Scoops
  • Jake Zyrus nagpasalamat sa suporta ng girlfriend sa kanyang showbiz career

Jake Zyrus nagpasalamat sa suporta ng girlfriend sa kanyang showbiz career

Alam na din ni Jake na uulanin ng batikos -ang pag-upload niya ng topless photo niya sa beach.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

3/26/2018 8:51 AM
Jake Zyrus nagpasalamat sa suporta ng girlfriend sa kanyang showbiz career


Photo credit to: @shrye.xvi on IG

 

Muli nang nag-renew ng kanyang recording contract ang singer na si Jake Zyrus sa Star Music.

 

Napa-throwback pa si Jake dahil sampung taon na siya ngayon sa music label na suportado ang mga desisyon niya sa buhay.

Dito din naibahagi ni Jake ang full support ng non-showbiz girlfriend na si Shyre Aquino sa kanyang career. Ayon kay Jake hindi daw ito selosa at naiintindihan ang kanyang trabaho bilang isang celebrity.

“Siya yung unang una makakaintindi. Nagkakilala kami dahil isa siyang taga-hanga, fan ko siya, dati siyang kasama sa Chasters noong Charice pa ako. Siya pa ang nag-encourage sa akin na o mag-post ka ng ano (photo), kasi alam nya ang feeling, alam niya siya pa nagsa-suggest sa akin kung ano  ang nakakakilig para sa fans,” kwento ni Jake. 

Sa kontrobersyal naman na topless post ni Jake sa social media habang nasa beach, inasahan na daw niya na uulanin siya ng magkakahalong reaksyon ng netizens.  

“It was my first time to actually take off my shirt. I knew na when I posted it na marami na naman mixed reactions ang makukuha nun, pero at the same time it didn't matter to me kasi yung iba makasalita lang eh,” pahayag ng transgender singer. 

Ano pa man daw ang ipukol sa kanya proud daw si Jake kung nasaan man siya ngayon.

 

Di pa game eh. Pero yung go pro atat. Kala mo tuloy naghahanap ng away. Hahaha! #anguibbeach

A post shared by Jake (@jakezyrusmusic) on

 

“Proud ako eh, kasi matagal ko nang pangarap ito. Matagal ko na gusto gawin ito. Alam ko na masaya ako kasi hindi na nagma-matter ang sasabihin ng iba katulad nga nung sabi ko kung alam mo sa puso mo nung ginawa mo ito, naramdaman mo, walang doubts. You're proud and you're happy sa kung ano nakikita mo so then why not?" sabi ni Jake. 

Sa ngayon, aasahan ang marami pang hit songs mula sa ginagawang bagong album ni Jake Zyrus sa ilalim ng Star Music.