• Home
  • Fresh Scoops
  • Bagong korona ng Miss Universe Philippines, kahawig ba ng nabibili lang sa isang website?

Bagong korona ng Miss Universe Philippines, kahawig ba ng nabibili lang sa isang website?

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/24/2018 10:28 AM
Bagong korona ng Miss Universe Philippines, kahawig ba ng nabibili lang sa isang website?



Ilang araw matapos 2018 Binibining Pilipinas pageant, marami ang nakapansin sa mga bagong korona na ipinasuot sa mga bagong Binibining Pilipinas winners, mula sa 2nd Runner up at 1st Runner Up hanggang Binibining Pilipinas Globe, Binibining Pilipinas Intercontinental, Binibining Pilipinas Supranational, Binibining Pilipinas Grand International, Binibining Pilipinas International, at Miss Universe Philippines.

 

 

2018 Binibining Pilipinas Queens @bbpilipinasofficial #binibiningpilipinas2018

A post shared by Push (@pushalerts) on

 

Labis na ikinatuwa ng mga pageant fans na finally ay pinalitan na ang mga korona.

 

Ngunit limang araw matapos ang coronation night, lumabas sa pageant website na Pageanthology101 ang mga larawan ng korona ng Miss Universe Philippines na tila malaki ang pagkakahawig sa isang korona na nabibili sa international e-commerce website na EBay.

 

 

Sa halagang, $15.99 (US Dollar) o mahigit kumulang sa 900 (Philippine Peso) ang halaga ng nasabing korona na kahawig ng sa Miss Universe Philippines.

Ganun pa man, nagdiriwang pa din ang Pinoy pageant fans sa pagka-kapanalo ni Catriona Gray bilang bagong kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe.