EXCLUSIVE: Joanna Ampil clears up ‘walang utang na loob’ issue with former manager

Maayos daw ang paglipat ng manager ni Joanna Ampil.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/23/2018 09:46 AM
EXCLUSIVE: Joanna Ampil clears up ‘walang utang na loob’ issue with former manager
Photo credit: @joampil on IG

 

Si Noel Ferrer na ang talent manager ni Joanna Ampil. Umalis na ang bida ng 2017 Metro Manila Film Festival movie na Ang Larawan sa manager niyang si Girlie Rodis.

Sa paglipat niya sa bagong management team ngayong 2018 ay hindi naman maiwasang akusahan siya na walang utang na loob.


“Marami naman talagang magsasabi ng ganyan. Hindi mo naman talaga maiiwasan yon,” simula niya sa PUSH.

“Pero okay lang, if that’s how they perceive things. But as long as GR and I are friends, we remain friends. I will owe her forever sa gift ng Larawan. And I can never say anything bad about her,” dadag pa niya.

Alam na rin daw ng dating manager na talagang lilipat siya sa kampo ni Noel.

“She knew about it a long time ago. She knew it was coming and she’s been so busy with her bilang producer, and I see that is a compliment ha, because she’s really good at it.

“And ako naman, gusto ko rin naman mag-move-on and I need to secure representation at napansintabi naman si Noel. Maayos talaga lahat. So, I don’t know where people are getting their news from,” katwiran niya.

Nakausap ng PUSH ang multi-award musical theater and film actress sa National Breakfast Day courtesy of McDonalds kung saan present din ang iba pang talents ni Noel Ferrer.

Ibinalita rin ni Joanna na aalis ulit siya ng bansa para sa Cats musical, pero nag-record daw muna siya ng isang revival song para hindi siya malimutan ng mga tao.

 “I’m going to Cats first. And then, babalik ako dito. I recorded a new song, an OPM revival, so that’s going to be played on radio as I’m away. Sana hindi ako makalimutan ng tao,” sambit pa niya.

Excited ding itsinika ni Joanna na pinapangarap niyang makagawa ng teleserye.

“Gusto ko talaga,” deklara pa niya. “Ang daming mga magagaling ‘no. Hindi ako masyadong nakakapanood but whenever I’m in the States, my dad watches it. So I get to watch every now and then.

“Napanood ko yung La Luna Sangre. I used to be a fan of Randy Santiago, I still am, and he was there in La Luna and it’s nice to see him in the teleserye,” kinikilig niyang kuwento.

With regards to her love life, Joanna revealed na seven months na sila ng kanyang boyfriend.

“It’s very new. He’s a set designer for stage, for musical. He stage designed Bridges of Madison County in 2015, so that’s how we met, became good friends,” patikim niyang detalye sa PUSH.