• Home
  • Fresh Scoops
  • Buwelta ni Miss Universe Philippines Catriona Gray sa mga bashers: ‘More love, more positivity’

Buwelta ni Miss Universe Philippines Catriona Gray sa mga bashers: ‘More love, more positivity’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/23/2018 10:17 AM
Buwelta ni Miss Universe Philippines Catriona Gray sa mga bashers: ‘More love, more positivity’


 

Mainit na pinag-uusapan ngayon ng mga pageant enthusiasts ang mga kontrobersyal na comments ng former beauty queens na sina Miss World Philippines finalist Maggie Wilson-Consunji at 2013 Miss International Bea Rose Santiago tungkol sa katatapos lang na 2018 Binibining Pilipinas pageant, partikular na dito ang pagkapanalo ni 2018 Miss Universe Philippines Catriona Gray ng Best In Swimsuit.

Read:Catriona Gray is Binibining Pilipinas Universe 2018

Dahil sa pagpuna nila, inulan agad ng batikos sa social media si Bea Rose at Maggie ng mga pageant fans at supporters ni Catriona.

Ganun pa man, positibo pa din tinatanggap ni Catriona ang mga komento mula sa iba’t ibang tao.

Nagbigay pahayag din si Catriona tungkol sa kanyang mga fans na aniya ay hindi niya kontrolado.

Ayon pa kay Catriona, sa halip umano na seryosohin ang mga negatibong bagay ay nais na lamang niya i-enjoy ang kanyang pagkapanalo bilang bagong Miss Universe Philippines.

Sa ngayon, abala si Catriona at mga bagong batch ng Binibini winners sa kabi-kabilang TV appearances.