• Home
  • Fresh Scoops
  • Bea Alonzo unfollows Pia Wurtzbach and Gerald Anderson on Instagram

Bea Alonzo unfollows Pia Wurtzbach and Gerald Anderson on Instagram

Nabahala ang BeaRald fans sa ikinikilos ng aktres sa social media.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/22/2018 1:40 AM
Bea Alonzo unfollows Pia Wurtzbach and Gerald Anderson on Instagram


Photo credits to: @beaalonzo (L), @piawurtzbach (C) and @andersongeraldjr (R) on IG

 

Usap-usapan ngayon sa online world ang pag-unfollow ni Bea Alonzo sa Instagram accounts ng My Perfect You stars na sina Pia Wurtzbach at Gerald Anderson. Kapansin-pansin din ang pagbura niya sa mga litrato nila ni Gerald at ng poster ng pelikula ng aktor.

(This photo has been deleted)

Samantala, patuloy pa rin namang naka-follow si Gerald sa account ni Bea at Pia, ganoon din naman ang beauty queen sa kanila. Ikinabahala ito ng netizens at ng “BeaRald” fans ngunit tikom pa sa ngayon ang bibig ng aktres.

Napansin din ng netizens na hindi lamang litrato ni Gerald ang nawala sa Instagram account ng aktres kung hindi pati na rin ang congratulatory message ni Bea kay Pia noong siya’y makoronahan bilang Miss Universe noong 2015 at nagbalik din sa showbiz. Sabay halos na pumasok sa Star Magic sina Pia at Bea at nagkatrabaho pa sa show na “K2BU.”

(This photo has been deleted)

Lalo pang uminit ang isyu nang mag-post ang hairstylist ni Bea sa Instagram tungkol sa mga “malalanding” babae at lalaki.”

 

 

A post shared by a touch of ayu (@ayuhamasaki) on

 

Bagamat hindi ibinahagi nina Bea at Gerald ang tunay na estado ng kanilang relasyon, pareho naman silang naging bukas sa publiko tungkol sa kanilang nararamdaman sa isa’t isa.
Si Pia naman ay matagal nang may relasyon sa Fil-Swiss racecar driver na si Marlon Stockinger ngunit kapansin-pansin din na iisa na lamang ang picture ni 
Pia at Marlon sa account nito.