• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Edgar Allan Guzman says he remains friend with ex-girlfriend Shaira Mae dela Cruz

EXCLUSIVE: Edgar Allan Guzman says he remains friend with ex-girlfriend Shaira Mae dela Cruz

Edgar Allan Guzman even went on a vacation with his ex-girlfriend.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/21/2018 9:20 AM
EXCLUSIVE: Edgar Allan Guzman says he remains friend with ex-girlfriend Shaira Mae dela Cruz


Photo credit to the owner (R)

 

Dalawang linggong nagbakasyon sa Amerika ang aktor na si Edgar Allan Guzman kasama ang dating girlfriend na si Shaira Mae dela Cruz.

Giit ni EA, magkaibigan na lang sila ngayon ni Shaira at wala naman siyang nakikitang masama kung magkasama man sila sa Amerika.

“Matagal na kasing naka-book yon, so hindi sinadya. I mean, before talagang ano, pero ngayon kasi, kumbaga ako, gusto ko lang ding huminga, gusto ko lang ding magbakasyon kaya tinuloy ko.

“So para sa akin, kung magkasama man kami don, wala namang malisya yon. Wala naman akong ano sa sasabihin ng iba, so siguro na misinterpret lang na may kasama, pero ano yon, matagal nang naka-book yon.

“Saka hindi lang naman kaming dalawa yong nagbakasyon don, marami kami,” dire-diretsong paliwanag ni EA sa PUSH.

Iginiit din niya na wala na talaga silang relasyon ng dalaga.

“Hindi na. Wala na. Pero lahat naman ng tao puwedeng maging magkaibigan, eh, di ba? Hindi naman lahat pag sinabi mong wala na, eh, wala na ring communication. Lahat naman puwedeng maging magkaibigan.

“Naniniwala kasi ako na kahit ex mo, puwede mong maging friends. Kasi nasa isang magkarelasyon naman yon, kung itutuloy niya as friend o itutuloy niyo as wala na talaga,” sambit niya.

Na-realize din daw nila ni Shaira ngayon na marami silang nasayang na pagkakataon noon dahil sa maagang pakikipagrelasyon.

Ani Edgar, “Yon nga yung reason din kung bakit, kasi tumatanda na kami, so dati bata, akala namin ganito. So this time, mas ano kami, mas matured kami kung paano hahawakan yung sarili namin. Give time to ourselves and to our work para magawa namin yung mga hindi namin nagawa before,” saad pa niya.

Samantala, ikinatuwa ni EA ang natanggap niyang nominasyon sa Eddys Awards.

“Sana manalo. Hehehe! Pero kung hindi, okey din lang naman. Sabi ko nga sa IG stories ko, ang maging nominado pa lamang ay karangalan na, so okey na yon. Masaya na ako do’n,” huling pahayag ni Edgar Allan sa PUSH.