• Home
  • Fresh Scoops
  • Cathy Garcia-Molina, ibinahagi kung ano ang huling pelikulang gagawin niya bago siya mag-retire.

Cathy Garcia-Molina on retiring: ‘It’s time that I serve my children’

Cathy Garcia-Molina, ibinahagi kung ano ang huling pelikulang gagawin niya bago siya mag-retire.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

03/21/2018 09:56 AM
Cathy Garcia-Molina on retiring: ‘It’s time that I serve my children’

 

Sa Tonight with Boy Abunda, binigyang linaw ni direk Cathy Garcia-Molina ang issue tungkol sa pagre-retire niya. Ani Direk, “Yes, I am.”

Paliwanag niya, “Matagal na actually ‘to. Every time I make films and every time that I make people happy, alam ko that there are two children that are not. Just because I am not with them and these are the growing years of my kids. Especially after my husband left, parang ako na lang ang meron sila, hindi pa ako makapag-stay with them.” 


Dagdag pa ni direk Cathy, hindi niya nagawang mag-focus sa mga anak dahil isa siyang single mom. “Being a single mom it was hard, because the kind of life that I want to give them. The kind of schools I want to send them to, it needed me to earn more. Hindi ko maiwan ang trabaho ko.”

Pero may nangyari daw kamakailan lang na lalong nag-udyok sa kanya na iwan muna ang paggawa niya ng pelikula. “But I know things are happening to my children. Two months ago… may nangyayari sa anak ko. Right away, I went to kina Direk Olive (Lamasan) kasi I wanted to resign…”

Nagkataon din daw na supportive ngayon ang boyfriend niya. “Tapos nagkataon yung boyfriend ko po ngayon, parang mas gusto talaga niya na tutukan ko na lang yung mga anak ko and he’s willing to work for us…”

Baka ito na rin daw ang pagkakataon na matupad ni direk Cathy ang pangarap niya. “E ang dream ko di ba Tito Boy maging mother and maging housewife, which I have never realized. I’m hoping to realize that dream. Magti-teenager na ang mga anak ko, they need me.” 

Pagtatapos ni direk, “Sabi ko nga 25 years of my life para sa show business, 24 years for ABS-CBN. Siguro tama na yun. More than half of my life I have served, it’s time that I serve my children.” 

Bago tuluyang magretiro si direk Cathy, gagawa daw siya ng pelikula with KathNiel at ang huli ay ang kay Piolo Pascual na naipangako na niya noon pa kay Piolo.