• Home
  • Fresh Scoops
  • Pinoy talents ibibida sa stage musical na gagamit ng hits ng Air Supply

Pinoy talents ibibida sa stage musical na gagamit ng hits ng Air Supply

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

3/20/2018 9:28 AM
Pinoy talents ibibida sa stage musical na gagamit ng hits ng Air Supply


Photo credit: @racheljalejandro (L)/ @gianmagdangal (R) on IG

 

Isang stage musical base sa classic hits nang grupong Air Supply ang binubuo ngayon ng Australian Production team na nandito sa Pilipinas.


Video courtesy: air supply vevo

2013 nang unang napanuod sa Australia ang stage musical na All Out of Love na isa sa mga sikat na awitin ng Air Supply na ni-release noong taong 1980.

Kasama ang iba pang hit songs gaya ng “Making Love Out of Nothing at All”, “Just As I Am”, “Even The Nights Are Better” at marami pang iba.

Ilan sa mga nag-audition ay sina Rachel Alejandro at Gian Magdangal na aminadong fan ng Air Supply at ng mga awitin ng grupo.

“If you’re born of a certain era yung mga ka-age natin, impossible na you don’t know any single word to these songs or at least a chorus man lang,” sabi ni Rachel.

Someone Who Believes in You” naman ang audition piece ni Gian.

“Nag-audition ako ‘Someone Who Believes in You’ by Air Supply. Kinanta ko siya dalawang beses.”

Kabilang din sa mga nag-audition ang Miss Saigon alumna na si Tanya Manalang.

“Actually nung binigay sa akin ang material, actually it wasn’t really that hard for me to learn the songs kasi lagi ko naririnig sa radyo as a kid,” kuwento ni Tanya.

Malaki naman ang naging paghanga ng Australian Producer ng All Out of Love na si Naomi Toohey at director nito na si Darren Yap sa talent ng Pinoy artist.

“When you see these amazing singers, they’re very slight girls and then the voice comes out of them it’s really powerful,” sabi pa ni Naomi.

“There is nothing like hearing the soul and the heart of a Filipino singer. They sing with life,” pahayag naman ni Darren.

Mapapanuod ang All Out of Love sa darating na October 18 sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.