• Home
  • Fresh Scoops
  • La Luna Sangre's finale episode airs tonight after "FPJ's Ang Probinsyano."

Daniel Padilla, Kathryn Bernardo at Richard Gutierrez challenged by their roles in La Luna Sangre

La Luna Sangre's finale episode airs tonight after "FPJ's Ang Probinsyano."

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

03/02/2018 04:16 PM
Daniel Padilla, Kathryn Bernardo at Richard Gutierrez challenged by their roles in La Luna Sangre

 

June 2017 nang magsimulang mapanuod at kapitan my viewers ang kuwento ng top rating teleserye na La Luna Sangre sa ABS-CBN.

Ito ang ikatlong bahagi ng serye na sinimulan sa Lobo noong 2008 at Immortal noong 2010


Ito din ang humamon sa tambalan nila Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa mahihirap na action scenes at mabibigat na eksena na applauded ng mga manonood.

Ayon kay Kathryn na gumaganap sa papel na Malia Rodriguez, may sikretong kapangyarihan na pinakamalakas sa lahat.

 

Mahaharap ba niya ang mga kalabang darating? #LaLunaSangre #LLSDuelo #KathrynBernardo #KathNiel

A post shared by La Luna Sangre (@lalunasangreofficial) on

 

“Ang pagmamahal yun pa rin ang pinakamakapagyarihan sa lahat kasi sa dami ng pinagdaanan ni Malia... at the end of the day kahit gaano kasama ang isang tao pwede mo yun mabago dahil sa pagmamahal," paliwanag ni Kathryn.  

Matinding fight scenes naman ang kinarir ni Daniel Padilla sa papel niya bilang si Tristan Toralba. Itinututuring din niya na pinakamatinding sagupaan ay ang sa kanila ni Sandrino na ginampanan naman ni Richard Gutierrez.

 

Saan siya papanig sa laban? #LaLunaSangre #LLSDuelo #DanielPadilla #KathNiel

A post shared by La Luna Sangre (@lalunasangreofficial) on

 

“First part lang yun ng fight namin ni Sandrino and the whole day namin yun na shoot ni Chard. Parang yun ang first fight scene na talagang naglaban kami,” sabi naman ni Daniel. 

Sa La Luna Sangre naman napanood at natupad ang pagbabalik primetime ni Richard. Maraming lihim at pasabog ang kanyang papel sa serye na kinatatakutan at kinainisan.

 

Nagbalik na si Gilbert Imperial! #LLSTheFallOfWaya #LaLunaSangre #RichardGutierrez

A post shared by La Luna Sangre (@lalunasangreofficial) on

 

“Kasi lahat naman ng ginagawa ni Sandrino na makakuha ng kapangyarihan, masakop ang buong mundo, lahat naman yun front lang niya yun pero deeper than that may rason kung bakit,” pahayag naman ni Richard tungkol sa kanyang naging role.  

Ngayong gabi, mapapanuod na ang pinakahihintay na pagtatapos ng kwento nina Malia, Tristan at Sandrino sa La Luna Sangre matapos ang FPJ's Ang Probinsyano.