• Home
  • Fresh Scoops
  • Polo Ravales, inamin kung nag-overlap ang relasyon kay Jean Garcia at Ara Mina.

Bakit ‘unexpected love’ ni Polo Ravales si Paulyn Quiza?

Polo Ravales, inamin kung nag-overlap ang relasyon kay Jean Garcia at Ara Mina.

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

03/02/2018 10:40 AM
Bakit ‘unexpected love’ ni Polo Ravales si Paulyn Quiza?
Photo credit: @pauquiza (R) on IG

 

Sa Tonight with Boy Abunda, sinagot ni Polo Ravales kung nagkaroon ng overlap ang relasyon niya noon kay Jean Garcia at kay Ara Mina. Ani Polo, “nung time namin ni Jean parang ang dating niya nagkaroon ng overlap, pero not para, nagkaroon kami ng LQ…” Saka inamin ni Polo na habang may LQ sila ni Jean ay may pumasok. “Parang ganun,” ani Polo.

Hindi na rin daw sila noon nagkabalikan ni Jean. “Wala na. As in, hindi na niya ako. Wala ng chance para ma-explain. Kumbaga, feeling niya nagkaroon ng… Hanggang yung girl dahil nga nandun siya nung mga panahon na yun … and I was immature that time.”


Kinwento din niya kung bakit tinawag niyang “unexpected love” ang girlfriend niyang si Paulyn Quiza. “Nagkakilala kami December 26. December 25, Tito Boy, I wasn’t feeling happy parang may kulang. E parang nung mga panahon na yun sabi ko I’m single so I can date like whoever.”

Pagpapatuloy ni Polo, “Umalis ako, kasama ko yung friend ko na gay. Lumabas kami gumimik kami tapos nagkukwentuhan kami. Sabi ko parang sawa na yata ako mag-date, sawa na ako na to be single. Gusto ko meron na talaga akong diretsong path tapos December 26 dun ko siya nakilala.”

Pagtatapos ng kwento ni Polo, “nung una ko siyang nameet, iba na yung feeling. Parang matagal ko na siyang kilala. Totoo pala yun.”