• Home
  • Fresh Scoops
  • The beauty queen said her 5-year-old son Noah has always wished for another sibling.

Lara Quigaman confirms pregnancy

The beauty queen said her 5-year-old son Noah has always wished for another sibling.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

03/19/2018 05:29 PM
Lara Quigaman confirms pregnancy
Photo credit: @laraquigaman on IG

 

Full force ang former Binibining Pilipinas Queens sa katatapos lang na 2018 Binibining Pilipinas Grand Coronation Night.

Present si 2005 Miss International Precious Lara Quigaman kagabi March 18 at member siya ng panel of judges. 


Aniya, mahirap ang naging proseso ng kanilang trabaho dahil sa dami ng magaganda at mahusay na mga kandidata.

“We are very happy, of course. Kung pwede lang namin bigyan ng korona yung iba, we would have done that. Pero we are very happy with the winners,” bungad ni Lara. 

Bukod sa kasiyahan para sa mga bagong batch ng Binibining Pilipinas queens, excited din ngayon si Lara at ang asawa na si Marco Alcaraz para panibagong blessing sa kanilang pamilya.

Sa panayam na ito na PUSH at ABS-CBN News matapos ang pageant, kinumpirma ni Lara ang maugong na balita tungkol sa kanyang muling  pagdadalang tao.

“Magiging kuya na si Noah, my son. Hopefully maging okay lang, maging okay yung pregnancy. I am 11 weeks pregnant,” masayang pahayag ni Lara.  

Gaya ni Lara, excited na din ang asawa ni Lara na si Marco Alcaraz na wish na girl naman ang kanilang next baby.

“Sobrang happy and we are praying na maging healthy siya,” sabi pa ni Marco. 

Kuwento pa ni Lara matagal nang wish ng kanyang only child na si Noah ang magkaroon ng kapatid.

“Alam na (ni Noah) and sobrang excited na siya. Gusto na niya ng baby sister. Nagpa-practice na siya maging kuya.” 
Dahil aktibo ngayon sa teleserye na Bagani, paglilinaw ni Lara na tuloy-tuloy pa din siya sa kanyang role bilang si Dilag, ang nakatatandang kapatid ni Ganda na ginagmpanan naman ni Liza Soberano.

“Tuloy pa rin naman ang pag-work. Sobrang relaxed naman yung taping namin so walang problema,” paliwanag ng aktres. 

Sa ngayon wala pa daw nararamdaman na cravings si Lara sa kanyang pagdadalang tao.

“Actually wala akong gana kumain. Nahihirapan ako compared sa first one. Due siya in October,”  pagtatapos na pahayag ni Lara