Rap group Ex Battalion, ibinahagi ang mga proyektong aabangan sa kanilang grupo

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

03/17/2018 10:15 AM
Rap group Ex Battalion, ibinahagi ang mga proyektong aabangan sa kanilang grupo
Photo credit: @msaiaidelasalas IG

Hindi na maawat ang tuluy-tuloy na pagsikat ng rap group na Ex Battalion na nakilala sa awiting “Hayaan Mo Sila” at minamanage na ngayon ni Ai-Ai Delas Alas.

Hinahanda na ng grupo ang kanilang follow-up single.


Ire-release na yung unreleased namin na kanta. Isu-shoot namin sa March 29, ire-release namin sa April, yung ‘Unrelease’ mare-release na,” sabi pa ng grupo.

Dahil kaliwa’t kanan ang engagements at performances ng Ex Battalion, nagsisimula na din na makaluwag sa buhay ang mga members nito.

Pero ayon sa grupo, hindi din nagkukulang sa payo ang kanilang manager na si Ai-Ai na mag-ipon at ilagay ang kinikitang pera sa tamang lugar.

May mga investments na po kami. Kotse, nakabili na kami ng kotse,” kuwento pa nila.

Maituturing na din na mainstream ang musika ng Ex Battalion, pero para sa kanila ngayon pa lang sila nagsisimula.

Underground pa rin po kami, pero siguro papunta na po sa mainstream.

Isang major concert ang inihahanda ng grupo para sa kanilang unang taong anibersaryo na kanilang handog sa kanilang mga taga suporta.