• Home
  • Fresh Scoops
  • Inamin ni Liz Alindogan na niligawan siya ni Rolly Quizon noon.

EXCLUSIVE: Liz Alindogan recalls fondest memories with Rolly Quizon

Inamin ni Liz Alindogan na niligawan siya ni Rolly Quizon noon.

EXCLUSIVE: Liz Alindogan recalls fondest memories with Rolly Quizon-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/17/2018 10:44 AM
EXCLUSIVE: Liz Alindogan recalls fondest memories with Rolly Quizon
Photo credits: Inquirer.net (left) Dailymotion (right)

 

Nasa Hazelberry Café’s first anniversary celebration ang actress-producer na si Liz Alindogan noong Thursday afternoon (March 15), nang mabalitaan niyang pumanaw na si Rolly Quizon due to aneurysm.

Ayon sa kanya ay naging malapit siya kay Rolly at sa pamilya ni Dolphy noon dahil isa siya sa tinatawag na Dolphy’s Angels. Nakasama rin niya si Rolly sa John En Marsha (The Movie).


Ano ba ang fondest memories niya with Rolly?

Mahilig kami nina Maricel (Soriano) at Rolly na maglaro ng spirit of the glass. Di ba, merong truth or consequence yon, tapos pag consequence, inuutusan niya si Rolly na i-kiss ako. ‘Kiss, kiss, kiss.’ Alam ni Maricel yan.

Ang dami naming pinagsamahan ni Rolly noon, grabe,” kuwento sa amin ni Liz.

Hindi na rin naitago ni Liz na noon ay niligawan din siya ni Rolly kaya lang hindi raw niya ito sinagot.

Eh, kasi ano, meron akong Jess Lapid, Jr. Eh, nung time na yon, nag-i-start pa lang akong makilala siya.

Tapos may friend si Rolly, I’m sure pupunta yon don sa wake, may friend siya na babae na kilalang-kilala ko. Sabi niya, nagkaroon daw sila ng relationsip ni Rolly.

Tapos sabi niya, ‘Alam mo ba, pinupunti ko lahat ng picture kasi parating sinasabi sa akin ni Rolly na ikaw ang love niya.

Nakakagulat talaga kasi after ni Dino (half-brother ni Rolly), si Rolly naman,” bulalas pa ni Liz.

Sa mga naging kapanabayan nila noon ay hinahanap naman daw niya ngayon si Anna Marie Gutierrez.

Hinahanap ko siya kasi may mga bali-balitang hindi maganda, pero bali-balita lang naman yon. Si Yehlen Catral, nandyan naman, ka-Facebook ko siya. Pero si Anna Marie, hindi, eh. Wala kaming contact,” chika pa niya.

Dahil sa biglaang pagkawala ng kanyang kaibigan, hindi rin maiwasan ni Liz na matakot para sa kanyang sarili. Mabuti na lang daw at healthy living siya.

Very healthy ako, tapos hindi ako nagsisigarilyo. At the same time, alagang-alaga ako ng family ko. May doktora akong anak, so nandiyan siya.

Alam mo, actually hindi sa edad yon, eh. Marami ring mga mas bata pa ang namamatay kasi dahil sa lifestyle.