• Home
  • Fresh Scoops
  • Ayon kay Ara Mina, gusto na daw ng anak niyang si Mandy ng kapatid na lalake.

Balak pa bang magka-baby ni Ara Mina kay Patrick Meneses?

Ayon kay Ara Mina, gusto na daw ng anak niyang si Mandy ng kapatid na lalake.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/17/2018 11:20 AM
Balak pa bang magka-baby ni Ara Mina kay Patrick Meneses?

 

Present ang ex-boyfriend ni Ara Mina na si Mayor Patrick Meneses sa first anniversary ng Hazelberry Café (location: Puwesto Community Mall) nitong Huwebes ng gabi (March 15). In fact, tuwing may espesyal na okasyon sa buhay ni Ara ay palaging nandoon si Patrick.

Habang busy si Ara sa pag-aasikaso sa kanyang mga bisita ay si Patrick naman ang nag-aalaga sa kanilang anak na si Amanda Gabrielle (Mandy) who is now three-years old.


“Palagi namang nandiyan sa Patrick for me at siyempre para sa anak namin, kay Mandy,” masayang tinuran ni Ara na aminadong gustong magkaroon ng kapatid na baby boy si Mandy.

Tatanggapin ba niya ang hamon ni Patrick na gumawa sila ng another baby kahit hindi na sila magkarelasyon?

“Ohhh? Niloloko ko siya, sabi ko, ‘Ano, gusto ko baby boy, tumatawa lang siya, tapos ngayon siya yung nagpiprisinta,” paismid niyang reaksyon.

Okay lang ba sa kanya ang ganung set-up?

“Well, at least parehas ng tatay ‘no? Pabata na ako ng pabata, baka hindi na ako magka-baby ‘no? Well, yung sinasabi ni Patrick, I’ll think about it, hahaha! Bahala na, we’ll see,” natatawa niyang sagot.

Dugtong ni Ara, “Gusto ko talaga isa na lang—one boy. One girl and one boy enough na sa akin. Yung isa nga lang, makulit na, eh.”

May mga manliligaw naman daw siya ngayon, pero hindi na raw niya ito pinapansin.

“Hindi ko na pinapansin. Kasi, ano, wala... walang spark,” sey pa niya.

“Ayoko namang tumandang dalaga. Pero right now, ini-enjoy ko muna si Mandy habang maliit pa. Sobra kasing cute niya ngayon. Sobrang lambing.”

Gusto pa ba niyang magpakasal?

Napaisip si Ara, “Dati, dream ko yon. Pero ngayon, parang bahala na. Kasi nga, hindi masasabi yan.

“Pag nagkaroon ka ng spark sa isang guy, nagkagusto ka, don mo na maiisip yang wedding-wedding, eh. Pero siyempre, lahat naman ng babae gustong makasal,” rason niya.

Hindi ba niya hinahanap magkaroon ng boyfriend?

“Kasi naman ang babae, nakakapagtiis. Kahit alam mo ng… magbisi-bisihan ka lang. Kita mo, nagha-hiking ako. Nagbe-baking ako.

“Ano ba? Magkakaroon pa ba ako ng time niyan sa love life?” sabay tawa niya nang malakas.

Samantala, ayon sa kanya, may ROI (return of investment) na ang kanyang Hazelberry Café, pero ayaw muna niyang mag-franchise dahil gusto niyang i-maintain ang quality ng pastries at iba pang pagkain na isini-serve sa kanyang café.

“Marami nang nag-i-inquire, pero hindi ko pa kakayanin. Pero yung cakes ko magiging available na sa iba’t ibang malls and resto ng mga kaibigan ko,” pagmamalaki pa niya.