• Home
  • Fresh Scoops
  • UAAP player Ricci Rivero denies using drugs and having a gay benefactor

UAAP player Ricci Rivero denies using drugs and having a gay benefactor

Ricci Rivero, inaming crush niya sina Claudia Barretto at Kathryn Bernardo

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

3/16/2018 11:01 AM
UAAP player Ricci Rivero denies using drugs and having a gay benefactor


 

Sa Push Now Na, klinaro ni La Salle Green Archer Ricci Rivero ang ilang issue tungkol sa kanya. Nilinaw niya na hindi issue sa drugs ang dahilan kung bakit on leave siya sa team. “Actually wala pa namang issue na wala ako sa UAAP, yun nga as of now I’m on leave nga sa team kasi dun nga sa endorsement.” 

Paliwanag ni Ricci, bawal kasi under the new rule na mag-endorse ng kahit na anong brand. Pero nakapirma na daw siya sa ilang endorsements bago ito nasabi sa kanila. “Nag-sign ako last year, merong early January. Then sinabi nila parang late January na.”

Paglilinaw pa niya, “yun nga nagpadrug test ako and andun naman yung result and parang na-clear din ang mind nilang lahat, I’m negative.” 

Hindi rin diumano totoo na meron siyang gay benefactor. “Meron akong naririnig pero parang di naman nag-matter kasi parang wala naman (katotohanan).” 

Meron ding offer na pumasok ng showbiz si Ricci pero ayon sa atleta, “Open naman ako sa mga opportunities. (Pero) focus muna ako, as of now Gilas muna.”

Inamin din niya na ilan sa mga showbiz crushes niya ay sina Claudia Barretto at Kathryn Bernardo.