Lani Mercado all set na para maging daughter-in-law si Jodi Sta. Maria

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

03/16/2018 10:34 AM
Lani Mercado all set na para maging daughter-in-law si Jodi Sta. Maria
Photo credit: @jodistamaria on IG (R)

 

Masaya si Bacoor City Mayor Lani Mercado para sa pagkilala na kanyang natanggap bilang isa sa Most Outstanding Mayor for 2018 mula sa isang private organization.

Ito na ang ikalawang pagkakaton na tumanggap ang actress-politician ng pagkilala na ito para sa kanyang pamamahala sa kanyang bayan sa Cavite.


 

“Isang malaking karangalan as mayor na tumanggap po tayo ng ganitong mga pagkilala. Isa po itong tatak kapag ikaw ay awardee ay maganda ang pamamalakad mo [at] pamamahala ng iyong bayan,” bungad ni Lani.

“Mas successful ata ako bilang public servant kasi mas maraming awards ang natatanggap natin dito. But still, this is an inspiration for me to continue what I’ve started,” masayang kuwento pa ni Lani.

Speaking of inspiration, happy din daw si Mayor Lani para sa kanyang anak na si Jolo Revilla na inspirado ngayon sa kapamilya actress na si Jodi Sta Maria.

 

“Magkasama sila pag wala siyang taping. Nakakasama siya ni Jolo and he celebrated (Jolo’s birthday) in Rosario, Cavite with his officials and today (March 15) he will celebrate with family. I hope to see Jodi.”

Dito, nagtanong din kay Mayor Lani kung ano ang masasabi niya sa pagtawag ni Jolo kay Jodi bilang asawa. Aniya, bilang ina saksi siya sa naging pinagdaanan ni Jolo at Jodi.

“I’ve seen them grow as a couple on and off.  I would say na kung ano yung branding at tawagan nila sa isa’t isa, it has been tested by time so it’s really up to them kung saang level sila hahantong sa panahon ngayon,” aniya.

At kung magtutuloy-tuloy na nga sa kasalan ang relasyon nina Jolo at Jodi, ready na din umano siya na maging manugang si Jodi.

 

A post shared by Jolo Revilla (@jolo_revilla) on

 

“Kung sino ang mahal ng anak ko, wala akong problema doon. Basta aalagaan niya at mamahalin ang anak ko at hindi niya sasaktan and vice versa walang problema sa akin,” pahayag pa ni Lani.