Michelle Gumabao, maaalis nga ba sa Binibining Pilipinas dahil sa sexy photo issue?

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

03/14/2018 10:35 AM
Michelle Gumabao, maaalis nga ba sa Binibining Pilipinas dahil sa sexy photo issue?
Photo credit: @gumabaomichele on IG

 

Suot ang animal print design swimwear, ginintuang sarong, at makukulay na feather headdress, pumarada ang apatnapung kandidata ng 2018 Binibining Pilipinas nitong nagdaan na March 10.

Bitbit ang mga banners at tarpaulin, sinalubong ng malakas na hiyawan at palakpakan ng mga fans ang mga kandidata lulan ng top down na mga sasakayan.


Read: 2018 Binibining Pilipinas Parade of Beauties

Gaya ng inaasahan, inabangan ang pagdaan nina Vickie Rushton, Catriona Gray, Aya Abesamis at Michelle Gumabao na sinagot ang isyu ng diumano pagkalat ng mga sexy na larawan niya sa social media.

 

Ayon kay Michelle aware siya sa bali-balitang ito.

“I’m used to it and I learned how to buck it out. I’m mature enough to just listen to it and take it into consideration and I know the truth and I’m not going be affected by it,” paliwanag ni Michelle.

Kung mapapatunayan, maari na maging basehan ito ng pagkaka-disqualify ni Michelle bilang opisyal na kalahok sa prestihiyong beauty pageant.

Ganun pa man, nanatiling focused si Michelle at deadma muna sa social media para mas binibigyang pansin ang nalalapit na Binibing Pilipinas pageant.

 

“We’re behind closed doors. I don’t have access to social media that much. I don’t really know what’s happening in the outside world. I feel like I’m in PBB again,” pahayag pa ni Michelle.

Magaganap ang Grand Coronation night ng 2018 Binibining Pilipinas 2018 ngayong March 18 sa Araneta Coliseum at mapapanuod sa ABS-CBN.