• Home
  • Fresh Scoops
  • Jolo Revilla kasama sa kanyang special birthday celebration si Jodi Sta Maria
Jolo Revilla kasama sa kanyang special birthday celebration si Jodi Sta Maria
“Asawa” na raw ang tawag ni Jolo sa girlfriend na si Jodi.
BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

3/14/2018 3:39 PM
Jolo Revilla kasama sa kanyang special birthday celebration si Jodi Sta Maria
Photo credit: @jodistamaria (R) on IG

 

Muling sasabak sa action movie na 72 Hours ng Imus Productions ang actor-politician na si Jolo Revilla na namahinga sa paggawa ng pelikula ng halos limang taon.

Sa muling pagbabalik ng action genre, malaki daw ang pasasalamat ni Jolo sa action teleserye na FPJ's Ang Probinsyano dahil muling nabuhay ang interest ng mga manunuod sa panunuod ng action films.

 

Shooting 72hours!🎬#imusproductions #tatakDDS

A post shared by Jolo Revilla (@jolo_revilla) on

 

“Naniniwala kami na dapat makabalik na ang aksyon dito sa industriya. Nakita naman natin na sunod-sunod na palabas sa telebisyon ang talagang tinatangkilik na ng mga Pilipino,” bungad ni Jolo.  

Bukod sa paghahanda sa pagbabalik pelikula, isa din sa pinaghahandaan ni Jolo ang kanyang nalalapit na 30th birthday sa March 15.

Bago pa ang mismong araw ng kanyang birthday, isang selebrasyon na ang ginawa ni Jolo kasama ang kanyang girlfriend na si Jodi Sta Maria.

“Nagpunta kami sa Rosario Cavite, doon ginawa ang first leg ng week ng birthday celebration ko, isang relocation site siya ng mga galing sa Tacloban,” kwento ni Jolo. 

Di man sinabi ni Jolo kung ano ang regalo ni Jodi sa kanya, sambit ng aktor, “Wala na ako kailangan hilingin sa kanya.” 

Bukod dito, Kamakailan din ay very vocal na si Jolo na tawagin na si Jodi bilang ‘Asawa’ kaya naman naging tanong na din kung napag-uusapan na ba nila ang kasalan.

“All I can say is that the right time will come, darating tayo diyan, may hinihintay na lang tayo,” pahayag ni Jolo.