Angeli Pangilinan, dismayado sa organizer ng LA Fashion Week

Angeli Pangilinan, dismayado sa organizer ng LA Fashion Week-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

03/14/2018 10:31 AM
Angeli Pangilinan, dismayado sa organizer ng LA Fashion Week

 

Dismayado ang partido at manager ng singer-performer na si Kiana Valenciano na kasalukuyang nasa Los Angeles, USA, para sa pagbubukas ng 2018 LA Fashion Week.

Read: Kiana Valenciano set to walk in this year’s LA Fashion Week


Isa kasi si Kiana sa mga naimbitahan na rumampa sana para sa ilang Filipino fashion designer para sa opening night ng prestigious fashion week.

 

Ngunit sa hindi pa kumpirmadong dahilan, hindi umano pinayagan si Kiana at ang iba pang Pinay models na rumampa.

Ayon sa ina ni Kiana na si Angeli Pangilinan na siya din tumatayong talent manager ng anak, labis umano ang kanilang pagka-dismaya sa nangyaring aberya na ito para sa kanila at iba pang Pinay models.

"I am so sad that Kiana was not able to participate in the opening day of the prestigious LA Fashion Week as she was invited for a very special cause—the AIDS Foundation,” pahayag ni Angeli sa ipinadala nitong mensahe sa PUSH.

“7 Filipinas including former Miss Earth Jamie Herrell and Kiana were not being allowed to walk the ramp for the opening fashion show at the MacArthur at 9 pm of Elie Madi, and ironically two top Filipino designers, Resty Lagare and Rocky Gathercole,” dagdag pa ni Angeli.

Dito ikinuwento din ni Angeli ang hindi pa niya alam ang rason kung bakit pinigilan si Kiana at iba pang Pinay models na lumipad pa sa LA para sa fashion week.

“All flew into Los Angeles for the fundraiser from the Middle East and the Philippines. Due to this situation, Jacob Meir, the owner of For the Stars Fashion House, the ‘home’ of the three designers in Melrose Avenue, refused to allow the designers to continue with the fashion show because he would not allow the show to go on without the Filipino models, Jamie and Kiana. He is planning another event instead,” salaysay pa ni Angeli.

Ganun pa man, thankful pa din daw si Angeli para sa naging imbitasyon na ito para sa kanyang anak na inenjoy nalang ang panahon sa LA para magbakasyon.

“I believe however that everything happens for a reason and that God has better plans for Kiana. In behalf of Manila Genesis and Kiana, Gary and I would like to extend our sincerest gratitude to all of those who continue to believe in and support her. The local Fil-Am media flocked to the store of Mr. Meir and interviewed the designers, Mr. Meir and Kiana after hearing of the event cancellation."