• Home
  • Fresh Scoops
  • ABS-CBN at grupo ng mga katutubo, nagkasundo na sa paggamit ng salitang ‘Bagani’

ABS-CBN at grupo ng mga katutubo, nagkasundo na sa paggamit ng salitang ‘Bagani’

Grupo ng mga katutubo, masaya sa pagpupulong tungkol sa paggamit ng salitang ‘Bagani.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

3/14/2018 10:43 AM
ABS-CBN at grupo ng mga katutubo, nagkasundo na sa paggamit ng salitang ‘Bagani’


 

Sa ulat ng TV Patrol, nagkasundo na ang kinatawan ng mga katutubong Manobo at ang ABS-CBN sa pangunguna ng Creative Team ng teleseryeng Bagani na walang masamang intensiyon sa pagamit ng salitang “Bagani.”

Ayon sa ulat, nauwi sa kamayan at tawanan ang pagpupulong ng dalawang kampo noong Sabado, March 10. Ayon sa isa sa mga representative ng mga katutubo, “Ito po’y isang milestone. We have arrived at a middle ground at nagkaroon ng partnership with ABS-CBN in promoting the cultural integrity of the indigenous peoples.”

Dagdag pa nila, “It’s a giant network pero pinakinggan po talaga yung mga hinaing ng mga katutubo so we’re very happy and grateful.”