• Home
  • Fresh Scoops
  • Aiza Seguerra announces resignation as Chairperson of National Youth Commission

Aiza Seguerra announces resignation as Chairperson of National Youth Commission

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

3/13/2018 2:05 PM
Aiza Seguerra announces resignation as Chairperson of National Youth Commission


 

Isa ang singer na si Aiza Ice Seguerra sa mga kilalang showbiz personality na naging aktibo sa paglilingkod bayan.

Si Aiza ay kasalukuyan ngayon naninilbihan bilang chairperson ng  National Youth Commission na ang layunin ay ilapit sa mga kabataan ang programa ng pamahalaan.

Pero sa naglabasang balita ngayong araw, opisyal nang inanunsyo ng singer ang kanyang desisyon na lisanin ang puwesto na ipanagkatiwala sa kanya ni Presidente Rodrigo Duterte.

Sa naging panayam ni Mario Dumaual ng ABS-CBN News nilinaw ni Aiza ang kanyang pasya na lisanin ang posisyon.

“I thank President Duterte for his full support and understanding of my decision,” ani ni Aiza ukol sa naging meeting nila noong March 5.

Ayon pa kay Aiza nais na lamang niya ipagpatuloy ang kanyang karera bilang mang aawit.

 

Inihayag ni Aiza ngayong araw ang kanyang resignation ay epektibo na sa darating na April 5.