Kiana Valenciano set to walk in this year’s LA Fashion Week

Will the singer venture into the modelling industry?

Kiana Valenciano set to walk in this year’s LA Fashion Week-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

03/12/2018 03:52 PM
Kiana Valenciano set to walk in this year’s LA Fashion Week

 

Biyaheng Los Angeles, USA ang singer na si Kiana Valenciano para rumampa sa 2018 Los Angeles Fashion Week.

Isa si Kiana sa Pinay models na rarampa para sa Filipino fashion designers na sina Rocky Gathercole at Micheal Leyva.


Kwento ni Kiana, ito ang kanyang unang beses na rarampa para sa isang international fashion show.  

“It’s my first time to walk in something this big. I’m a little nervous pero excited din,” bungad ni Kiana.  

Hindi daw inaasahan ng singer ang biglaang imbitasyon na ito para sa Los Angeles Fashion Week.

“I really don’t know, mga three days ago bigla nalang ako ti-next ng mom ko (Angeli Pangilinan/Manager) na may inquiry nga daw to walk for LA Fashion Week so ako siyempre I was like, wow! It was a super surprise, I don’t know how it happened,” sambit pa ni Kiana. 

Aniya dahil sa busy na schedules at biglaan na invitation, walang preparations na nagawa ang bunsong anak ni Gary V.

“Wala, wala. We’ll prepare when we get there siguro (laugh), but right now wala pa talaga. I found out three days ago so sobrang spontaneous lang na trip,” excited na kuwento pa ni Kiana. 

Dahil unti-unti nang napapansin ang beauty ni Kiana internationally, hudyat na din ba ito ng pagpasok niya sa mundo ng modelling?

“I never thought of trying out modelling. I think with the shoot and all of that stuff, it comes with being a singer but I never thought of pursuing modelling. I don’t know we’ll see na lang,” sagot ni Kiana. 

Matapos ang LA Fashion Week balik Pilipinas na si Kiana para sa isang proyekto kasama ang kaibigan na si Nadine Lustre.