• Home
  • Fresh Scoops
  • Dr. Eric Yapjuanco nag-comment sa mga nangyayari sa buhay ni Xander Ford matapos niyang operahan ito

Surgeon ni Xander Ford, anong masasabi at inuulan pa din ng batikos si Xander Ford?

Dr. Eric Yapjuanco nag-comment sa mga nangyayari sa buhay ni Xander Ford matapos niyang operahan ito

Surgeon ni Xander Ford, anong masasabi at inuulan pa din ng batikos si Xander Ford?-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

03/11/2018 01:56 PM
Surgeon ni Xander Ford, anong masasabi at inuulan pa din ng batikos si Xander Ford?
Photo credit to: @iamxanderford IG

 

Mainit na pinag usapan last year ang naging ultimate transformation ng social media sensation na si Marlou Arizala, na mas kilala ngayon bilang si Xander Ford.

Matatandaan na sa programang “Rated K” unang napanuod ang unang appearance ni Marlou bilang si Xander matapos ang matagumpay na operasyon ni  Dr. Eric Yapjuanco ng The Icon Clinic.


 

 

Kinilala din si Xander ng Google bilang number one Most Searched Filipino Personality of 2017.

Kasabay ng big transformation ng kanyang looks, focused naman ngayon ang social media star sa pagpapaganda ng kanyang katawan.

Kaya naman masaya si Doc Eric para sa tagumpay na natamo ni Xander. 

I am very happy for Xander and I am very proud of what he has achieved with his career so far,” sabi ni Doc Eric.

Inuulan man ng iba’t ibang batikos si Xander sa online world, umaasa naman ang cosmetic surgeon na magtutuloy-tuloy na ang magandang buhay para kay Xander.

I hope and pray that he continues to aspire for his dreams because I know that his main motivation in life is to give his family a better life,” ani pa ng surgeon nang nakapanaym ito ng PUSH

I am honored that The Icon Clinic is instrumental in giving the confidence that drives him to work harder and be a better and happier person,” pagtatapos nito.