Meet the next generation of stars

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

3/10/2018 9:44 AM
Meet the next generation of stars


Photos credit to the owners

 

Mga bagong mukha at talento ang nag-uumpisa ngayon sa mundo ng showbiz para patunayan ang kanilang husay sa batang edad. Sila ay mga galing sa showbiz clan o prominenteng pamilya ng mga artista.

Una na dito si Jayda Avanzado na iisang anak ni Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado. Gaya ng kanyang mga magulang, pagkanta ang naging hilig ni Jayda.

“I’m not only a singer-songwriter. I’m also doing my own music and I like to be involved in the whole creative process,” pahayag ni Jayda.

Sunod dito si Claudia Barretto na anak ni Marjorie Barretto. Pag-kanta din ang nais pasukin ng nakakabatang kapatid ni Julia Barretto.

 

At last night’s #CornerstoneConcerts media night šŸ’–

A post shared by Claudia (@claudia) on

“It’s been very experimental but because of this EP, I feel that it actually showed me what I want to pursue and I think that’s R&B,” sabi ni Claudia.

Ang nakababatang kapatid ni James Reid na si Jack Reid ay isa naman sa bibida sa pelikulang Squad Goals. Idolo daw niya ang kanyang kuya James na maraming pangaral sa kanya.

 

#MEGAMillenialBall look last night thanks to @avelbacudio and @mac_igarta :)

A post shared by Jack Reid (@jackal_reid) on

“Just be yourself. Don’t be someone you’re not. He’s the one that introduced me to showbiz and who told me to strive for it,” kuwento pa ng binata.

Kasama din sa Squad Goals movie si Andrew Muhlach na nagmula sa Muhlach clan nina Aga at Nino Muhlach. Baon din niya ang pinakamahalagang payo ng mga nakakatanda niyang kapatid na si Aga.

 

Will you be my valentine? šŸŒ¹

A post shared by Andrew Muhlach (@andrewmuhlach) on

“Sa akin lagi nila tinuturo focus ka lang ay matuto ka makisama sa tao talaga,” sabi pa ni Andrew.

Si Vitto Marquez na isa din sa mga miyembro ng Hashtags sa It’s Showtime bibit din ang mahahalagang payo ng mga magulang na sina Joey Marquez at Alma Moreno na huwag sayangin ang oportunidad at pagkakaton.

“Lagi nila sinasabi na kapag may pagkakataon na ipakita mo skills mo, gawin mo ang lahat. Kasi hindi lahat ng tao nabibigyan ng opportunity para malagay sa isang pwesto para ipakita mo skills mo,” pahayag ni Vitto.