‘Women of The Weeping River’ director Sheron Dayoc set to do Marawi project with Robin Padilla

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

03/01/2018 11:00 AM
‘Women of The Weeping River’ director Sheron Dayoc set to do Marawi project with Robin Padilla

 

Sa naganap na special screening ng award-winning na pelikula ng TBA Productions na Women of The Weeping Rivers, nakapanayam ng PUSH ang director nito na si Sheron Dayoc.

 

Ibihinahagi ng director ang kanyang magiging partisipasyon sa Marawi project na may working title ngayon na The Promise Land.

“I think na-open up na din ni Piolo (Pascual) and Direk Joyce Bernal. We’re doing the Marawi movie. I’m directing with Direk Joyce, Piolo, and Robin (Padilla),” sabi ng director.

 

Pag-amin pa ni Sheron, nagkakaroon talaga ngayon ng delay ang kanilang upcoming projects dahil sa pagsasa-ayos ng scripts para sa pelikula.

 

“Hanggang ngayon kasi we’re still finalizing the script and I’m not sure if I can announce the schedule but we’re doing the film very soon,” sambit pa ni Direk Sheron.

Matipid man sa paglalahad ng detalye, sinigurado naman ni Direk na kasama ang ilan sa mga malalaking pangalan sa kapamilya network.

“Siguro sila Direk Joyce nalang ang mag-announce but definitely Robin Padilla will be there.”

Samantala, looking forward din sa magandang review si Direk Sheron sa kanyang Women of the Weeping Rivers na sumasalamin sa kasalukuyang estado ng kababaihan sa Mindanao.

“Hopefully they like it, because the main purpose of this film is to bring deeper understanding regarding the violence going on in Mindanao and also to have better understanding between the conflict and the culture,” sabi pa nito.

Sa ngayon iba’t ibang film festival din ang nakatakdang puntahan ng Women of The Weeping Rivers team.