• Home
  • Fresh Scoops
  • Elmo Magalona, tahimik sa isyu sa kanila ng nanay ni Janella Salvador

Elmo Magalona, tahimik sa isyu sa kanila ng nanay ni Janella Salvador

Mas gusto ni Elmo Magalona mag-focus na lang sa blessings na kanyang natatanggap.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/1/2018 9:58 AM
Elmo Magalona, tahimik sa isyu sa kanila ng nanay ni Janella Salvador


Photo credit: @j9desire on IG

 

Katatapos lang ipalabas ang My Fairy Tail Love Story na first team-up nina Elmo Magalona at Janella Salvador sa pelikula pero may follow-up movie na agad ang binata sa Regal Entertainmet.

Kasama si Elmo sa cast ng pelikulang Walwal na istorya ng apat na magkakabarkada na sisimulang gawin ni Direk Joey Reyes ngayong March.

“Actually, hindi pa nga ako makapaniwala na parang magmo-move na agad ako sa isa pang project. I’m so happy and thankful,” bulalas agad ng binata.

Hindi makakasama ni Elmo sa pelikula ang ka-love team na si Janella dahil hindi raw naman love story ang pelikula.

Aniya, “It’s another take sa akin, ibang klaseng atake na naman. Kasi for the past ilang projects with Janella more on sa love yung angle, ganyan.

“Dito, more on yung friendship ng isang barkada yung ie-experience ko. Do’n tatakbo ang kwento.

“I wish na puwede kong makasama dito si Janella, pero yon nga, eh, kasi hindi siya focus sa love kaya hindi kami makakapagsama dito sa movie na ‘to.”

As much as possible ay ayaw namang magbigay ng reaksyon ng binata tungkol sa hindi matapos-tapos na isyu sa kanila ng ina ni Janella na si Jenine Desiderio.

“I just don’t really want to say anything about it anymore. Count your blessings na lang po talaga,” pag-iwas ni Elmo.

Ayon pa sa binata, mas okay daw na bilangin na lang niya ang blessings na natatanggap niya ngayon kesa mag-react sa mga isyu.

“Ako, ngayon super blessed lang talaga, yon yung ina-ano ko… yung iniisip ko. Ayokong mag-isip ng negative.

“Pag may blessing ka sa life mo, parang mas nagiging ano ka, grateful ka. Tapos kung ilalagay ko yung thought ko sa ibang bagay, parang nine-neglect ko yung blessing na binigay sa akin,” paliwanag pa niya.

Kasama ni Elmo sa pelikulang Walwal sina Kiko Estrada at Jerome Ponce. Introducing naman sa pelikula ang anak nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan na si Donny Pangilinan.