• Home
  • Fresh Scoops
  • Binibining Pilipinas candidates sumabak sa iba't ibang activities bago ang coronation night

Binibining Pilipinas candidates sumabak sa iba't ibang activities bago ang coronation night

Bumisita ang mga Binibining Pilipinas candidates sa mga sugatang sundalo ng AFP.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

3/1/2018 9:52 AM
Binibining Pilipinas candidates sumabak sa iba't ibang activities bago ang coronation night


Photo credit: @voltairetayag on IG

 

Kaliwa’t kanan na ang activities ng apatnapung kanididata ng 2018 Binibining Pilipinas beauty pageant.

Pagmamalasakit sa kapwa ang ipinahayag ng mga kandidata sa kanilang pagbisita sa mga sugatan at may karamdamang mga kawal sa AFP Hospital.

 

Marami din sa mga naka-bonding ng mga kandidata ang mga sugatang sundalo na nanggaling sa Marawi.

 

 

Taunan na din ang tradisyon ng Binibining Pilipinas charities incorporated ang pagbigay suporta sa Armed Forces of the Philippines.

Yoga meditation at pictorial naman ang hinarap ng mga Binibining candidates sa Las Casas Filipinos De Acuzar sa Bataan.

 

Bahagi naman ito ng Road To The Crown na special na mapapanuod sa March 11 sa Sunday's Best ng ABS-CBN.

Dito rin nagpatalbugan sa swimsuit competition ang mga binibini candidates.

Sa ngayon, looking forward ang pageant supporters sa nalalapit na Binibining Pilipinas Coronation night na gaganapin ngayong March 18 sa Araneta Coliseum at mapapanuod sa Kapamilya Network.