James Reid, tinawag ang JaDine Revolution concert na 'wilder'

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

02/09/2018 10:37 PM
James Reid, tinawag ang JaDine Revolution concert na 'wilder'
Photo Credit to: @vivaliveofficial IG

 

Matapos ang isang taon, muling nagbabalik ang tambalan ng JaDine na sina James Reid at Nadine Lustre sa concert stage.

February 2016 nang huling napanuod ang dalawa sa JaDine In Love concert kung saan inanunsyo nila ang kanilang pagmamahalan.


At ngayong 2018, inabangan ang real-life couple sa JaDine Revolution concert na kanilang handog sa mga tagahanga ngayong Valentine's Day.

 

 

Ayon sa concert director nito na si Paul Basinillo, ibang JaDine ang mapapanuod ngayon sa kanilang pagbabalik entablado.

"Parang celebration ito ng kanilang music as an artist," sabi ni direk Paul.

Kuwento pa ng concert director, iba ang mapapanuod ngayon ng fans dahil sa mas maiinit at umaatikabong prod number na pinaghandaan ng tandem.

 

 

"In a way mas wild siya, kasi yung mga production number natin dito is mas open-minded, lahat doon sa kanilang mga production number. We actually try to cater the request of the fans, mayroon mga request na gusto ng sexy dance number ni Nadine, 'yung kanyang 'white shirt love' so isa 'to doon sa dapat natin abangan sa show," pahayag pa ni direk Paul.

Matipid naman ang sagot ni James kung may pasabog sa ending na magaganap ngayon sa kanilang concert.

 

 

"Well I think, they should wait for the whole concert itself, not just the end and the music itself," aniya.

"Yes, in terms of choreography, the lyrics, the songs," pahayag pa nito.

Bukod kay James at Nadine, present din ang malalapit na kaibigan ng tandem na sina Kiana Valenciano, Sam Concepcion, at Brett Jackson.

Aasahan din ang popstar royalty na si Sarah Geronimo bilang isa sa mga special guests nina James at Nadine.