Pia Wurtzbach, rarampa sa 2018 New York Fashion Week

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

02/07/2018 10:00 PM
Pia Wurtzbach, rarampa sa 2018 New York Fashion Week

 

Opisyal na inanusyo ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang kanyang special participation sa 2018 New York Fashion Week.

Sa kanyang Instagram story post, ibinahagi ng beauty queen actress ang kanyang excitement para sa kanyang muling pagrampa sa runway ng New York Fashion Week.


Kasunod ito ng naging announcement ng Sherri Hill brand sa kanilang social media account na isa nga ang Pinay Miss Universe na muling rarampa para sa kanilang latest collection.

 

February 2016 nang unang rumampa si Pia sa New York Fashion Week para sa same clothing line.

 

 

💙 #SherriHill #NYFW #NYFW16 @sherrihill @missuniverse

A post shared by Pia Wurtzbach | Miss Universe (@piawurtzbach) on

 

 

@carmenmarcvalvo #NYFW #nyfw16 video by @brittanymania

A post shared by Pia Wurtzbach | Miss Universe (@piawurtzbach) on

Sa ngayon abala si Pia sa shooting ng kanyang first solo movie under Star Cinema kasama si Gerald Anderson na may working title na 'My Perfect You' sa direksyon ni Cathy Garcia Molina.