• Home
  • Fresh Scoops
  • Can you guess what cute accessory KC Concepcion brings everywhere?

Can you guess what cute accessory KC Concepcion brings everywhere?

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

2/7/2018 12:09 PM
Can you guess what cute accessory KC Concepcion brings everywhere?


 

Sa Push Now Na, pinakita ni KC Concepcion ang kanyang waterproof at light portable speaker na dala-dala niya sa kanyang Birkin bag. Ani KC kung bakit siya meron nito, “Gusto ko yung masaya pag kunwari nagme-makeup, nagpi-fitting, nagda-drive. Saka maganda yung sounds niya so kunwari magdyi-gym ako may dala na akong music…” 

Hindi naman nireveal ni KC ang brand ng kanyang super cute violet-colored speaker, pero sabi niya, “Meron niyan dito for sure.”

Nag-share din si KC na dala niya ang speaker niya hanggang sa shower room. “Alam mo nilalagay ko yan pag naliligo ako. Nilalagay ko yan sa shower kasi pwede siyang mabasa. So minsan audio book o kunwari ngayon nagbi-business business ako. May mga mentors ako, businessmen na friends, minsan nagbo-voice note sila sa akin. Yun ang pinapakinggan ko habang naliligo ako. So nag-aaral na din ako. Halimbawa audio bible…”