Antoinette Jadaone may panawagan sa netizen: 'Huwag tayong maniwala sa chismis'

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

02/07/2018 10:46 AM
Antoinette Jadaone may panawagan sa netizen: 'Huwag tayong maniwala sa chismis'
Photo credit: @tonet_jadaone IG

 

Tila ayaw nang pag-usapan pa ng direktor na si Antoinette Jadaone ang isyu na hindi umano sila nagkakasundo ng aktres na si Nadine Lustre.

 

 

 

 

 

Naging usap-usapan sa social media ang mga sentimiyento na inilahad ni Direk Tonette sa kanyang blog tungkol sa pagkakaroon umano ng delay sa shooting ng pelikula ng JaDine na Never Not Love You.

Read:LOOK: Is this Viva’s answer to Direk Tonette Jadaone’s blog post?

Sa panayam na ito kay Direk Tonette sa celebrity block screening ng Meet Me In St. Gallen, nilinaw ng direktor ang kanyang saloobin tungkol dito. 

"Huwag tayong naniwala sa sabi sabi, huwag tayo maniwala sa chismis," aniya.

"Opo tuloy ang movie," paglilinaw pa ni Direk Tonette.

Aminado ang direktor na totoong nagkaroon ng delay pero ayaw na niya itong pag-usapan pa.

"Yes na-delay," matipid na sagot ng director.

Nang tanungin naman kung ano ba talaga ang naging dahilan ng “delay”, ito lang ang naging sagot ni direk: "Ayaw ko nang magsalita. Feeling ko kasi pinapalaki (pa) siya, kasi pinapalaki siya kapag naniniwala sa chismis."

Aniya, totoo din daw na sumama ang kanyang loob dahil sa pangyayaring delay at ito ay bilang saloobin ng isang direktor na nagmamahal sa kanyang proyekto.

"Sumama bilang isang storyteller, isang creator, isang direktor na mahal yung pelikula," pag-amin pa niya.

Read: Did Nadine Lustre unfollow director Antoinette Jadaone on Instagram?

Sa usapin naman ng pag-unfollow sa social media nila ni Nadine Lustre sa isa’t isa, ito naman ang kanyang naging sagot: "Hindi kasi niya talaga ako pina-follow so imposibleng i-unfollow niya ako. Si James (Reid) ang nag pa-follow sa akin.

"Nagkaroon ata ng technical something doon sa Instagram. Kinuwento niya noong OTWOL (On The Wings of Love) time pa lang," pahayag pa ng director.

Sa ngayon, tuluy-tuloy pa din daw ang shoot at nasa 60 percent done na ngayon ayon mismo kay Direk Tonette.